Nabulabog ang smuggling attempt nang mag-atrasan at maglahong parang bula ang mga multong dapat sumalubong kay Sarip sa takot kay Daising ghostbuster na masabit.
Huli na nang mahimasmasan si Sarip porke nasa harapan na siya ni Wahab Pangadaman, customs examiner, na mag-ieksamen ng kanyang dalawang hand-carried baggages na may lamang cellphones porke naiwan sa kangkungan ito matapos magtalunan at magsiksikan sa kani-kanilang mga lungga ang mga multong sasalubong dapat dito.
Napakamot ng balakubak, este mali, ulo pala si Sarip porke buko ang shipment niyang dala. Wala itong masabi sa ginawa niyang mission impossible sa airport dahil tiyak niyang magbabayad siya ng malaki sa buwis kahit na mga segunda-mano ang kanyang dala. Finance Secretary Lito Camacho, pabantayan mo ang paglabas sa bureau ng cellphones baka maluto?
Nokia 8210, 7110, 6150 at 3210 ang kipkip ni Sarip nang mabuko siya ni Wahab. Pareho silang Muslim, MNLF Chairman Nur Misuari, Your Honor!
Nag-isyu ng warrant, seizure and detention order si NAIA Customs Collector Celso Templo para sa mga teleponong nasilat. For your information, BOC Commissioner Tony Bernardo, Sir!
Kasi, tiyak ng mga taga-customs na may padrino si Sarip at siguradong makikiusap sa kanila. Di ba, TONGgressman Mandarambong, two times na ito kamote!
Tumawag kasi agad itong si TONGressman Mandarambong kay Atty. Molly ng Customs para makiusap sa mga nasilat na kung puwede ay huwag isagad ang buwis. Tama ba, Atty. Lina Molina, Madame?
"May mga multong nag-aabang dito kaya lang nadisgrasya," sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
"Sino ba ang mga multo?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Mga Abu Sayyaf sa NAIA."
"Bakit napasok na ba ng ASG ang airport?" tanong ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
"Matagal na napakarami nga nila ngayon!"
"Baka magkaroon ng kidnapping dyan?"
"Tiyak kong wala."
"Bakit mo alam?"
"Cellphone, cellphone lang ang usapan dito."
"Kung ganoon, mga salamalaykum pala ang mga yan."
"Iyan ang hindi natin alam, basta multo sila sa NAIA."