^

PSN Opinyon

Chairman Abalos: The next move is yours!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
SA wakas, natanggal na rin si Alfredo Benipayo bilang chairman ng Commission on Elections (Comelec). Matagal ko na ring isinusulat sa column na ito ang pagpapalit kina Benipayo at Commissioner Luzviminda Tancangco at iba pang mga commissioners kaya nga lang ay hindi madali ang pagtatanggal sa kanila dahil miyembro ng isang constitutional body.

Sino ba naman ang matutuwa sa mga commissioners, parati na lamang nagbabangayan na parang aso’t pusa? Sila pa nga ang dapat na maging modelo at tingalain ng balana sapagkat sila ang pinagkakatiwalaan ng sambayanan sa pagpili at paghahalal ng mga taga-paglingkod ng bayan. Subalit, ano ang ginagawa nila? Awayan at batuhan ng akusasyon ng katiwalian at iba pang paninira sa karakter ng isa’t isa. Tama ba ito?

Sirang-sira na ang imahe at kredibilidad ng Comelec. Alam ng taumbayan na marami sa mga nahalal na nanungkulan at ang iba pa nga ay nanunungkulan pa rin ngayon ang dayaan at lagayan na naganap sa pamamagitan ng ilang mga opisyal at tauhan ng Comelec.

Maraming problema ang haharapin ni Abalos bilang chairman ng Comelec. Isa na rito ang pakikipag-ugnayan sa mga kasamang commissioners na batay sa mga nakaraang pangyayari sa panahon ni Benipayo ay masasabing hindi maaaring maging sunud-sunuran lamang sa kagustuhan ng kanilang chairman. Ang mga kalokohan at kabuktutan sa loob ng Comelec ay isa pang magiging sakit ng ulo ni Abalos.

Subalit naniniwala ako na kakayanin ni Abalos ang bago niyang tungkulin. Bagay na bagay siya sa Comelec hindi lamang dahil sa kanyang pagkatao kundi lalo na sa kanyang kuwalipikasyon, karanasan at talino bilang isang dating judge, prosecutor at mayor. Chairman Abalos, the next move is yours.

vuukle comment

ABALOS

ALAM

ALFREDO BENIPAYO

AWAYAN

BENIPAYO

CHAIRMAN ABALOS

COMELEC

COMMISSIONER LUZVIMINDA TANCANGCO

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with