Pagkaraan ng 32 taon, natalaga si Jorge bilang guro ng pamumunga at pag-ani ng sari-saring pagkain. Nagpupunta siya sa mga bahay at paaralan sa probinsya at distrito para magsuri at mangasiwa sa mga pagpupulong tungkol sa pagtatanim at paggawa ng mga pagkaing pampalusog. Sa ganitong uri ng trabaho unang nakaramdam si Jorge ng athritis at pagkapaos na nagbunga ng sakit na pharyngitis. Naisip ni Jorge na hindi na siya magiging mabisa pa sa tungkuling kanyang ginagampanan. Kaya pagkaraan ng 37 taong tapat na paninilbihan at sa payo na rin ng doktor, nagretiro na si Jorge. Noong humiling siya ng mga sapat na kabayaran sa pagreretiro, hinadlangan pa ito ng gobyerno. Nagretiro raw siya hindi dahil sa kanyang sakit. Tama ba ang gobyerno?
Mali. Kapag ang isang empleyado ay humiling na magretiro hindi dahil sa edad kundi dahil sa panghihina ng katawan sanhi ng sakit na natamo sa pagtatrabaho, dapat ibigay sa kanya ang kaukulang suweldo para sa nalalabing panahon pa bago siya dumating sa sapat na edad para magretiro, maliban sa lahat ng mga benepisyong nakalaan sa pagreretiro. Ang mga guro ay dapat protektahan sa anumang ibubunga ng sakit na natamo sa pagtuturo. Ang sakit na galing sa pisikal at mabigat na gawain ng guro ay dapat bayaran. Itoy tinuturing na "occupational disease". (Unite vs. WCC 90 SCRA 289)