Ang talinghaga ng mga kabayo
June 13, 2002 | 12:00am
MAY tatlong magkakaibigang kutsero sa baryo. Sila ang tanging nakapapasada sapagkat baku-bako ang kalsada roon. Walang pampasaherong sasakyan na gustong bumiyahe.
Higit sa lahat ay may tatawiring ilog na lampas tao. At pag lumakas ang ulan ay inaabutan ang mga makina ng bus at jeepney. Kaya tuwang-tuwa ang tatlong magkakaibigang kutsero dahil malakas ang kanilang kita sa pasada.
Isang araw ay nagkita ang tatlong kutsero. Nagkuwentuhan at ang paksa ay kung sino ang may pinakamagaling at mabilis na kabayo.
Ang unang kutsero ay nagyabang. "Ang kabayo ko ang pinakamabilis. Minsan ay nakipagkarera kami sa isang tren. Panalo ang kabayo ko. Hindi man lang napagod."
Hindi nagpatalo ang ikalawang kutsero. "Mas mabilis ang kabayo ko. Nakipagkarera kami sa isang bagyo. Hindi man lang kami nabasa dahil sa bilis ng takbo."
"Ang aking kabayo ang pinakamagaling," sabi naman ng ikatlo. "Nahulog ako sa kalesa at bumagsak sa semento. Putok ang ulo ko. Tumawag ng doktor ang kabayo ko."
"Nakakagulat," sigaw ng unang kutsero. "E di utang mo sa kanya ang buhay mo."
"Hindi naman. Kasi ang tinawag niya ay beterinaryo."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended