^

PSN Opinyon

Editoryal - Bihisan ang Comelec

-
YES! Kailangang bihisan ang Commission on Elections (Comelec). Palitan ng bagong kasuotan sapagkat marusing na marusing na. Kakahiya. Bukod sa pagpapalit ng kasuutan, isulong ang matagal nang naunsiyaming modernisasyon. Panahon na para magkaroon ng pagbabago sa Comelec na hindi napagtuunan ni dating Chairman Alfredo Benipayo. Si Benipayo ay sinibak sa puwesto ni President Gloria Macapagal-Arroyo noong Lunes at ipinalit si MMDA Chairman Benjamin Abalos. Hindi na ni-renew ang appointment ni Benipayo na maraming beses na ring na-bypassed ng Commission on Appointments.

Ngayo’y dapat magpakitang gilas si Abalos at ibangon ang nakadapang imahe ng Comelec. Sa paningin namin makakaya ni Abalos ang iniatang na tungkulin ni GMA. Si Abalos ay dating Mandaluyong mayor bago pinamunuan ang MMDA. Marami na rin ang kanyang karanasan at marahil naman kaya niyang sagupain ang mga "unos" sa Comelec. Kaya na niyang labanan ang ngitngit ng panahon sa nasabing tanggapan.

Marami nang masamang pangyayaring naganap sa Comelec na naging dahilan para bumaba ang tingin dito ng taumbayan. Mula nang paupuin ni GMA si Benipayo sa Comelec ay hindi na nagkaroon ng katahimikan sapagkat nagkampu-kampo ang mga commissioners. Sa halip na ang asikasuhin ay ang kanilang tungkulin, nagsikmatan at nagkagatan silang parang mga ulol na aso. Walang tigil sa pagkahol ng maipipintas sa kapwa commissioners. Kakampi ni Benipayo sina Commissioners Resureccion Borra at Florentino Tuazon. Mahigpit nilang kalaban si Commissioners Luzviminda Tancangco at iba pa. Si Tancangco ay appointee ni dating President Joseph Estrada.

Nasa mga kamay ni Abalos nakasalalay kung paano magiging computerized ang election. Isang paraan kung paano mababawasan ang pandaraya sa bilangan. Madudurog ang mga nagdadagdag-bawas. Gawing seryoso ang pagrerehistro ng mga botante na kung kailan malapit na ang botohan saka lamang matatauhan. Noong nakaraang election ay nagahol ang Comelec at maraming kabataan ang hindi nakapagparehistro.

Ipakita ni Abalos ang kanyang galing sa pagkakataong ito. Bihisan niya ang Comelec nang damit na malinis at itayo ang karangalang bumagsak.

ABALOS

BENIPAYO

CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

COMELEC

COMMISSIONERS LUZVIMINDA TANCANGCO

COMMISSIONERS RESURECCION BORRA

FLORENTINO TUAZON

MARAMI

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with