Si Fr. Reuter ay 86 years old na pero matatas pa ring magsalita at taglay pa rin ang talino para ipahayag ang pananaw niya sa maraming bagay. Pitong taon lang siya nang sabihin niya sa mga magulang na pangarap niyang maging isang misyonaryo. Pumunta siya sa Pilipinas para mag-aral ng Philosophy noong siyay 22 anyos. Naging prisoner of war siya noong World War II nang mahigit tatlong taon.
Inordinahan siyang pari noong 1946 sa Woodstock, Maryland. Nagturo siya sa Ateneo de Naga at Ateneo de Manila mula 1948 hanggang 1960. Jack of all trades si Fr. Reuter. Basketball coach siya, coach ng debating team, drama director ng stage, radio at television. Noong 1964 siya ang National Director ng Mass Media for the Catholic Church in the Philippines. Pinagkalooban siya ng Magsaysay Award for creative communication at mismong si Pope John Paul II ang nagkaloob sa kanya ng "award" for courage and integrity in the presentation of Christian values in media."
Noong Mayo 21 ay inilunsad ang kanyang librong "Word in the Street." Ang libro ay hango sa mga reflections ni Fr. Reuter. Itoy itinaguyod ng Catholic Mass Media Awards sa pamumuno ni Rev. Fr. Joselito Jopson, Celia Goduco at Natalie Palanca.