^

PSN Opinyon

Fr. James Reuter: Higit pa sa Pilipino

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Si Father James Reuter, isang paring Heswita ay napakaraming natulungan, pinayuhan at ginabayan para tahakin ang tuwid na landas ng buhay. Napamahal siya sa maraming Pilipino na ayon sa kanya ay pinakamapagmahal na tao sa mundo. Hindi siya Pilipino subalit isa siyang tunay na Pilipino sa diwa at gawa.

Si Fr. Reuter ay 86 years old na pero matatas pa ring magsalita at taglay pa rin ang talino para ipahayag ang pananaw niya sa maraming bagay. Pitong taon lang siya nang sabihin niya sa mga magulang na pangarap niyang maging isang misyonaryo. Pumunta siya sa Pilipinas para mag-aral ng Philosophy noong siya’y 22 anyos. Naging prisoner of war siya noong World War II nang mahigit tatlong taon.

Inordinahan siyang pari noong 1946 sa Woodstock, Maryland. Nagturo siya sa Ateneo de Naga at Ateneo de Manila mula 1948 hanggang 1960. Jack of all trades si Fr. Reuter. Basketball coach siya, coach ng debating team, drama director ng stage, radio at television. Noong 1964 siya ang National Director ng Mass Media for the Catholic Church in the Philippines. Pinagkalooban siya ng Magsaysay Award for creative communication at mismong si Pope John Paul II ang nagkaloob sa kanya ng "award" for courage and integrity in the presentation of Christian values in media."

Noong Mayo 21 ay inilunsad ang kanyang librong "Word in the Street." Ang libro ay hango sa mga reflections ni Fr. Reuter. Ito’y itinaguyod ng Catholic Mass Media Awards sa pamumuno ni Rev. Fr. Joselito Jopson, Celia Goduco at Natalie Palanca.

ATENEO

CATHOLIC CHURCH

CATHOLIC MASS MEDIA AWARDS

CELIA GODUCO

JOSELITO JOPSON

MAGSAYSAY AWARD

MASS MEDIA

PILIPINO

REUTER

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with