^

PSN Opinyon

Ang sukatan ng pagmamahal

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG tagabigay ng batas sa Lumang Tipan ay si Moises. Ang tagabigay ng batas sa Bagong Tipan ay si Jesus. Subalit hindi naparito si Jesus upang isantabi o pawiin ang batas ni Moises. Naparito siya upang gawing ganap ang mga batas. At paano ginagawang mas ganap ang mga batas? Nagbigay si Jesus ng mas malalim na dahilan sa pagsunod sa mga iniuutos ng Diyos. Ang dahilan o motibasyon ay ang pagmamahal.

Pakinggan natin si Jesus (Mt. 5:17-19).

"Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: Magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga’t hindi nagaganap ang lahat. Kaya’t sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos’."


May dalawang puntong dapat nating alalahanin: Kailangang tupdin ang mga utos ng Diyos at ang motibo sa pagsunod sa mga ito. Hindi natin tinutupad ang mga utos ng Diyos dahilan sa takot. Ang Diyos ay hindi isang amo na nagpapahirap. Ang Diyos ay Diyos ng pagmamahal. Sabi nga ni San Bernardo: "Ang sukatan ng pagmamahal ay ang magmahal nang walang panukat."

Mahalaga ring alalahanin na ang mga utos o batas ng Diyos ay ipinapataw hindi upang makasakit sa atin. Ang ilan sa mga hinihingi ng Diyos ay tila naglilimita sa ating kalayaan. Subalit ang mga ito ay palaging ipinapataw para sa ating sariling kabutihan.

Ang mga utos ng Diyos ay mga gawa ng kanyang kabutihan at pagmamahal. At ang ating tugon ay dapat ding magmula sa pagmamahal. Pagmamahal na di-masusukat.

ANG DIYOS

BAGONG TIPAN

DIYOS

KAUTUSAN

LUMANG TIPAN

MOISES

NAPARITO

SAN BERNARDO

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with