Sinungaling na employer
June 11, 2002 | 12:00am
SI Mr. Lee ay may-ari ng mga sinehan sa isang siyudad sa Mindanao. Nang magpalabas ang gobyerno ng patakaran upang makakolekta ng mataas na buwis sa mga sinehan, gumawa ng hakbang si Mr. Lee bilang protesta. Pansamantala niyang isinara ang kanyang mga sinehan. Ipinaalam niya ang kanyang balak sa mga empleyado at nangako siyang kapag nagbukas muli ang sinehan, lahat silay ibabalik sa puwesto.
Pumayag ang mga empleyado at silay pumirma sa isang kasulatan sa harap mismo ng tanggapan ng Department of Labor, na kusa silang nagbibitiw sa trabaho at tinanggap nila lahat ang kanilang 13th month pay, overtime, living allowance at iba pang benepisyo. Pumirma rin sila sa mga resibo na tinanggap nila lahat ng benepisyo. Batay sa mga dokumentong ito, nag-report si Mr. Lee sa tanggapan ng Department of Labor tungkol sa pagtatapos ng mga serbisyo ng kanyang empleyado.
Pagkaraan ng tatlong buwan, nagbukas muli ang sinehan ni Mr. Lee. Ngunit di niya ibinalik ang mga empleyado. Kaya nagsampa ang mga empleyado ng illegal dismissal at humiling na silay ibalik sa trabaho pati na ang nakaraang suweldo nila mula ng silay tinanggal. Sinalungat ito ni Mr. Lee. Aniya, kusa raw nagbitiw sa trabaho ang mga empleyado at tinanggap nila lahat ang benepisyo. Pumirma pa nga sila sa harap ng opisyal ng labor. Tama ba si Mr. Lee?
Mali. Tama sana siya kung hindi siya nangako na ibabalik sa dating tungkulin ang mga empleyado kapag nagbukas muli ang sinehan. Hindi naman kaila na nagbukas na muli ng sinehan. Kaya maaring tutulan at kuwestiyunin ng mga empleyado ang pagkakatanggal sa kanila kahit pa tumanggap na sila ng lahat ng benepisyo. Ngunit hindi na sila babayaran pa ng mga nakaraang suweldo mula ng silay tanggalin. Di na ito makatwiran (King Seng vs. dela Cruz 165 SCRA 297).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest