Ganunpaman, matindi ang sinasaad ng Senate Report No. 66.
Nirerekomenda ang pagsakdal kay Lacson sa kasong drug trafficking nung hepe pa siya ng PNP at PAOCTF. Sangkot din sina Chief Supt. Reynaldo Acop, Sr. Supt. Francisco Villaroman at Supt. John Campos, na dating taga-PNP Region 4 at Narcotics Group.
Pinakakasuhan din sina Lacson sa pagkidnap sa mga suspek na drug lords sa Baguio na itinago nila sa safehouse para ipa-ransom. Ang pinaka-mababang kaso kay Lacson ay neglect of duty habang nasa PNP.
Hindi pinaniwalaan ng tatlong komite ang paratang ni Ador Mawanay tungkol sa smuggling ni Lacson. Kaya lusot siya rito.
Pinare-reprimand din si ISAFP chief Col. Victor Corpus dahil sa maling litrato ni Kim Wong na ibinigay ni Mawanay. Kaya nakabawi si Lacson sa kaaway kahit papano.
Pero mabigat lalo ang pagpapakaso ng kidnapping at drug dealing. Heinous crimes ito, walang bail, bitay o habambuhay ang sentensiya. At lalong mabigat, sampung kapwa-senador ang nagpaparatang.
Meron pa kayang pipirma miski kapwa taga-Oposisyon ni Lacson?