Tanong kay Supt. Rodrigo de Gracia
June 10, 2002 | 12:00am
NASA tamang timing ang pinalabas na advisory ni Dep. Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr., hepe ng National Anti-Kidnapping Task Force ukol sa naglulutangang checkpoints sa Metro Manila na ginagamit ng mga dorobong pulis para i-shake down ang mga motorista. At dahil sa warning ni Ebdane, sana ay magiyahan ang mga motorista kung ano ang nararapat nilang gawin para maiwasang mabiktima nitong tinatawag sa Internet na goons in uniform.
Hindi lang sa kahabaan ng Roxas Blvd., nangyayari ang shake down sa mga checkpoints dahil pati sa San Juan ang hometown ni dating Presidente Estrada ay nangyari rin to. Ganito ang sistema nila, ayon sa kuwento sa akin ng kapatid ng biktima na taga-Quezon City. Ang kanyang kapatid na lalaki na isang buy-and-sell agent, at ang kasama nito ay pinara sa isang checkpoint ng tanghaling tapat sa P. Guevarra sa San Juan ng mga operatiba ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng lokal na pulisya.
Ayon sa mga pulis may hinahabol daw silang kriminal. May konting diperensiya ang plate number ng kotse ng kapatid niya kayat hinanapan siya ng mga kaukulang papeles para patunayang hindi carnap ang kanyang kotse. Ang problema, hindi dala ng kapatid niya ang original na papeles kayat pumayag itong dalhin sila sa San Juan police headquarters. Doon, hinalughog ang kotse ng kapatid niya kahit walang warrant na ipinakita ang mga pulis at ikinagulantang niya nang sa pangatlong beses ay may nakitang kalibre .45 pistol sa compartment.
Hindi pag-aari ng kapatid niya ang baril, anang babaeng kapatid na nakausap ko. Mukhang nagparamdam ang mga pulis na ayusin nila ang kaso subalit dahil hindi sanay itong kapatid niya, nauwi ito sa asuntuhan. Nakulong ng isang linggo ang kapatid niya at nakalaya lamang ng magpiyansa.
Kung bakit nagkaganito sa ngayon ang pulisya ng San Juan ay hindi natin alam. Sa pagkaalam ko ang hepe nila na si Supt. Rodrigo de Gracia ay batang sagrado ni PNP chief Dir. Gen. Leandro Mendoza. Batid kaya ni Mayor JV Ejercito itong ginagawa ng kanyang kapulisan?
Ipinaliwanag ni Ebdane na ang checkpoints ay kalimitan itinatayo kapag ang pulisya ay nagsasagawa ng tuluy-tuloy na operation o may malawakang paghahanap ng kriminal. At kalimitan sa gabi ito nangyayari. Ang payo ni Ebdane sa mga motorista para maiwasang mabiktima sa mga checkpoints na ito ay huwag huminto ang motorista kapag hindi naka-uniporme ang mga pulis sa illegal na checkpoints. Dapat naka-display din ang kanilang nameplates at identification cards.
Ang tanong ko ngayon kay Supt. De Gracia, saan ang checkpoint mo nang nakawan ng walong kalalakihan ang Mann Hann restaurant at kanilang customers ng mahigit P3.3 million ng alas-10:30 noong nakaraang linggo? Eh, ilang dipa lang ang layo ng restaurant sa isang presinto ng pulisya mo. Bakit ang mga pusakal at armadong mga kriminal ay hindi nyo kayang habulin samantalang kapag mga sibilyan naman ang kaharap, sobra ang galing nyo?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended