Bagamat malayo pa ang 2004, hindi maiwasang talakayin ito porket naririyan ang pangalan ni FPJ na may laksa-laksang fans.
May narinig pa akong balita na balak daw mag-produce ng pelikula si FPJ na may titulong "Walang Iwanan Kaibigan" na tungkol sa kanilang matalik na pagkakaibigan ni dating Presidente Joseph Estrada. At porke malabong kunin si Erap to play his part, balak daw ni Da King na kunin si Gringo to play the part. Verum est? Sabagay, pormang tartits itong si Gringo.
Pag nagkataon, patok na tambalan ito.
Si FPJ ay itinuturing na bayani ng maraming movie fans. Sinasabi nga na kapag may pelikula siya sa Mindanao, binabaril ng mga nanonood ang telon kapag medyo natatalo siya ng kalaban.
At ito namang si Gringo ay naging bayani "in real life" sa l986 EDSA People Power Revolution. In other words, both FPJ and Gringo have legions of followers. Si Gringo rin ang namuno sa Reform the Armed Forces Movement (RAM) ang military component sa likod ng tagumpay ng EDSA I.
Whether imagined or real, and dalawang itoy hinahangaan sa kanilang katapangan, kagitingan at kakisigan.
Iyan ang kanilang built-in advantage. Hindi nila kailangang mangampanya nang pukpukan dahil yung mga panatiko nilay gagalaw para sa kanila.
Kung may fans club si Da King, si Gringoy may Guardians na may chapter all over the Philippines na tiyak na kakampanya para sa kanya.