^

PSN Opinyon

FPJ-Gringo Dream team sa '04

- Al G. Pedroche -
USAP-USAPAN ang umano’y negosasyon ng kampo nina Sen. Gringo Honasan at action king na si Fernando Poe Jr. para sa FPJ-Gringo tandem sa 2004 presidential elections. Verum est?

Bagamat malayo pa ang 2004, hindi maiwasang talakayin ito porke’t naririyan ang pangalan ni FPJ na may laksa-laksang fans.

May narinig pa akong balita na balak daw mag-produce ng pelikula si FPJ na may titulong "Walang Iwanan Kaibigan" na tungkol sa kanilang matalik na pagkakaibigan ni dating Presidente Joseph Estrada. At porke malabong kunin si Erap to play his part, balak daw ni Da King na kunin si Gringo to play the part. Verum est? Sabagay, pormang tartits itong si Gringo.

Pag nagkataon, patok na tambalan ito.

Si FPJ ay itinuturing na bayani ng maraming movie fans. Sinasabi nga na kapag may pelikula siya sa Mindanao, binabaril ng mga nanonood ang telon kapag medyo natatalo siya ng kalaban.

At ito namang si Gringo ay naging bayani "in real life" sa l986 EDSA People Power Revolution. In other words, both FPJ and Gringo have legions of followers. Si Gringo rin ang namuno sa Reform the Armed Forces Movement (RAM) ang military component sa likod ng tagumpay ng EDSA I.

Whether imagined or real,
and dalawang ito’y hinahangaan sa kanilang katapangan, kagitingan at kakisigan.

Iyan ang kanilang built-in advantage. Hindi nila kailangang mangampanya nang pukpukan dahil yung mga panatiko nila’y gagalaw para sa kanila.

Kung may fans club si Da King, si Gringo’y may Guardians na may chapter all over the Philippines na tiyak na kakampanya para sa kanya.

DA KING

FERNANDO POE JR.

GRINGO

GRINGO HONASAN

PEOPLE POWER REVOLUTION

PRESIDENTE JOSEPH ESTRADA

REFORM THE ARMED FORCES MOVEMENT

SI GRINGO

VERUM

WALANG IWANAN KAIBIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with