Ang mga music lovers ay may pagkakataon nang mapakinggan ang magagaling nating mang-aawit sa isang concert na gaganapin sa June 14, 2002 sa Manila Cathedral dakong alas-siyete ng gabi. Ang concert na may pamagat na "Gabi ng musikang Pilipino" ay lalahukan ng mga sikat mang-aawit na pangungunahan nina Jose Mari Chan, Apo Hiking Society, Ariel Rivera, Jolina Magdangal, Geneva Cruz, Jamie Rivera, Imelda Papin, Nanette Inventor, Janet Basco, Cris Villongco, Elizabeth Ramsey, Carlo Orosa, Sylvia La Torre, Nolyn Cabahug, Mabuhay Singers at ang Pangkat Kawayan.
Ang organizers ng nasabing concert ay pinangungunahan ni Direk Heidi O. Sison at Corazon Alma de Leon. Sinikap nilang maitaguyod ang concert upang lubusang mabigyang pagpapahalaga ang musikang Pinoy ganoon din ang mga artists natin na nagsisikap para mapaunlad ang kultura ng musikang Pilipino.
Entrance to the concert will be free but the hat will be passed around to give whatever they can afford to cover the direct expenses in utilities and production.
Ang lahat ay inaanyayahan sa nasabing concert. Huwag hayaang makalampas ang "Gabi ng musikang Pilipino". Pakinggan natin at namnamin ang awiting Pinoy.