^

PSN Opinyon

'Gabi ng musikang Pilipino' sa June 14

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
HINDI muna ako tatalakay ng may kaalamang medikal sa pagkakataong ito at bibigyan ko ng daan ang may kinalaman sa musikang Pilipino. Isang magandang pagkakataon na naaangkop sa kasarinlan ng Pilipinas at pagpupugay sa magagaling nating kababayang singers.

Ang mga music lovers ay may pagkakataon nang mapakinggan ang magagaling nating mang-aawit sa isang concert na gaganapin sa June 14, 2002 sa Manila Cathedral dakong alas-siyete ng gabi. Ang concert na may pamagat na "Gabi ng musikang Pilipino" ay lalahukan ng mga sikat mang-aawit na pangungunahan nina Jose Mari Chan, Apo Hiking Society, Ariel Rivera, Jolina Magdangal, Geneva Cruz, Jamie Rivera, Imelda Papin, Nanette Inventor, Janet Basco, Cris Villongco, Elizabeth Ramsey, Carlo Orosa, Sylvia La Torre, Nolyn Cabahug, Mabuhay Singers at ang Pangkat Kawayan.

Ang organizers ng nasabing concert ay pinangungunahan ni Direk Heidi O. Sison at Corazon Alma de Leon. Sinikap nilang maitaguyod ang concert upang lubusang mabigyang pagpapahalaga ang musikang Pinoy ganoon din ang mga artists natin na nagsisikap para mapaunlad ang kultura ng musikang Pilipino.

Entrance to the concert will be free but the hat will be passed around to give whatever they can afford to cover the direct expenses in utilities and production.

Ang lahat ay inaanyayahan sa nasabing concert. Huwag hayaang makalampas ang "Gabi ng musikang Pilipino". Pakinggan natin at namnamin ang awiting Pinoy.

APO HIKING SOCIETY

ARIEL RIVERA

CARLO OROSA

CORAZON ALMA

CRIS VILLONGCO

DIREK HEIDI O

ELIZABETH RAMSEY

GENEVA CRUZ

IMELDA PAPIN

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with