^

PSN Opinyon

Gulo sa Senado walang win-win solution

KAPAG MAY KATWIRAN - KAPAG MAY KATWIRAN ni Jopet Sison -
PAANO kaya aayusin ni Sen. Franklin Drilon ang kaguluhang nangyayari ngayon sa Senado. Pagbalik daw nila sa Hulyo, maayos na raw ang lahat. Mahirap yatang ayusin ang mga batas na naipasa ng Senado habang may dalawang grupo doon na nagsasabing ang kani-kanilang grupo ang lehitimong namumuno.

Malaking pagsasaayos ang kailangang gawin sa Senado. Unang una ay kung sino ba talaga ang lehitimong mga mamumuno ng Senado at ng mga komite nito. Sino ba ang awtoridad na magdedesisyon nito? Maaari ba itong ipagdiinan ng isang partido, laban sa pagmamatigas ng kabila? Baka Korte ang kailangan. Kung nagkaganito, baka lumampas pa ng Hulyo ang desisyon. Samantala, ano ang magiging katayuan ng Senado at sino ang pakikinggan?

Ikalawa ay kung ano ang magiging estado ng mga batas na naipasa sa panahon kung kailan dalawa ang grupo. Paano mo ngayon babalewalain ang mga naipasang batas. Sino ang magbabalewala nito, Senado rin ba o Korte na? Kikilalanin ba ito ng administration senators, bilang paraan ng pagsasaayos? Papansinin kaya ito sa Kongreso? Pipirmahan kaya ito ng Presidente?

Kung kikilalanin naman ni Drilon ang ginawa ng oposisyon, at siya pa rin ang Senate President, magiging taliwas naman ang pagpasa ng batas na ginawa nila, sa adjournment na kanyang idineklara. Mukhang mahirap magkaroon ng win-win solution sa mga pangyayaring naganap na.

Ang kasagutan sa mga ito ay sa susunod na kabanata ng drama sa Senado makikita. Abangan natin ang mga magaganap at tingnan natin kung anong mga batas, at internal rules of procedure ng Senado ang gagamitin upang maayos ang kaguluhan. Mukhang malaking magic ang kailangan.

vuukle comment

ABANGAN

BAKA KORTE

DRILON

HULYO

IKALAWA

MUKHANG

SENADO

SENATE PRESIDENT

SINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with