Ang talingghaga ng taga-tinda
June 8, 2002 | 12:00am
ANG anak ng magsasaka ay masipag at alisto. Nang magtapos sa high school, ayaw nang magpatuloy ng pag-aaral kaya naglayas at nagtungo sa bayan para maghanap ng trabaho kahit tutol ang mga magulang.
Maganda ang kanyang tindig at maamo ang mukha kaya alam niyang siya ay madaling matatanggap sa trabaho. Isang botika ang kanyang pinag-aplayan para maging tindero.
Marami ang nakapila sa botika at isa-isang iniinterbiyu ng may-ari. Nang interbyuhin ang binatilyo ay kaiba ang sagot niya. Gusto ko pong magtrabaho sa inyong botika Sir. Marami akong kaalaman sa pagtitinda ng gamot. Pauunlarin ko ang inyong botika.
Natanggap siya bilang tindero.
Pagkaraan ng tatlong buwan ay pumunta ang binatilyo sa kalapit na tindahang may telepono at tumawag sa sariling botikang pinagtatrabahuhan at kinausap ang may-ari.
Nagtanong ang binatilyo, "Kailangan po ba ninyo ng tindero sa inyong botika?
Hindi na dahil may nakuha na akong tindero, sagot ng may-ari.
Kamusta naman ang inyong tindero? tanong pa ng binatilyo.
Aba, masipag, magaling, magalang at mahusay magtinda ng gamot!
"Salamat po, patapos ng binatilyo.
Takang-taka ang may-ari ng tindahang tinawagan ng binatilyo. Bago umalis ay tinanong ng may-ari, "Hindi bat ikaw ang nagtatrabaho sa botikang tinawagan mo? Bakit kinausap mo pa ang may-ari?
Maganda iyong nalalaman ko kung ano ang tingin sa akin ng aking amo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended