Lumalakas ang sigaw na buwagin ang SK
June 5, 2002 | 12:00am
ANG Sangguniang Kabataan (SK) ay dapat nang buwagin! Ito ang malakas na sigaw ng taumbayan lalo nat nalalapit na ang eleksiyon ng SK. Itoy isasabay sa halalang pambarangay sa Hulyo 15.
Sa ginanap na registrations noong May 20 at 21, napatunayang walang interes at matamlay ang mga kabataang may edad 15 hanggang 18 sa Sangguniang Kabataan. Walong milyong kabataan ang inaasahang magparehistro pero naiulat na hindi pa nangalahati sa bilang na nabanggit ang nagparehistro. Itoy patunay ng kawalang siglay at suporta ng mga kabataan sa SK.
Ayon kay Congressman Gilbert Remulla panahon na para buwagin ang Sangguniang Kabataan na hindi naman epektibo at may pagkakataong sanhi pa ng katiwalian. Idinugtong ni Remulla na sa registration pa lang ay milyong piso na ang nagastos ng gobyerno. Sa gaganaping halalan ay P2 bilyon ang nakalaang budget na malaking halaga na puwede pang ilaan sa iba pang programang pangkaunlaran ng pamahalaan. Maraming mambabatas ang pabor sa tinuran ni Remulla.
Dahil sa kawalan ng interes ng mga kabataan, ang halalan sa Hulyo ay kahuli-hulihang SK Election na marahil.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended