Foolish patola walang training
June 4, 2002 | 12:00am
HALOS umangat ang puwit sa upuan ng mga taong nakapanood sa hostage-drama sa Philtranco terminal sa Pasay City noong Biyernes ng madaling-araw.
Nanggagalaiti sa galit ang mamamayang naka-watch ng trahedya. Asar sila sa mga foolish patola na nagpabaya sa kanilang tungkulin. Nabuking tuloy silang wala silang alam pagdating sa hostage-drama. Parang hindi sila sinanay sa ganitong sitwasyon.
Parang mas dalubhasa ang mga foolish patola sa walang training na putukan sa mga GRO sa klab.
Sa kabilang banda, iba ang kanilang pinutukan parang bago sa kanilang paningin imbes na si Deomides Talbo lamang ang kanilang inupakan ay dinamay pa nila si Dexter Balala.
Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO masyadong excited ang mga foolish patola. May TV coverage kasi ng mga oras na iyon kaya nagpasikat sila sa buong akalang makukuha sila ni Fernando Alipunga sa pelikulang "Pumalpak ang mga Palpak"?
"Mga pambato ba ng Pasay Police ang rumesponde sa hostage-drama?" tanong ng kuwagong kamote cop.
"Palagay ko dahil sila ang nauna sa scene of the crime," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Open target si Talbo para itong nagba-ballet habang kipkip si Dexter bat di pa inupakan ito ng SWAK este mali SWAT pala?"
"Eh, bakit tinamaan si Dexter nang banatan nila si Talbo?" tanong ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
"Siguro lasing ang bala kaya si Dexter ang tinamaan."
"Galing ba sa klab ang mga foolish patola kaya pati bala ng baril nila ay pagewang-gewang?" anang kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
"Iyan ang hindi natin alam. Kaya may imbestigasyon pati si Prez GMA ay asar sa nangyari!"
"Tiyak mabantot na naman ang PNP sa paningin ni Juan dela Cruz."
"Huwag nating lahatin porke mga foolish patola lamang sa Pasay City ang pumalpak."
"Kaya pati si Supt. Eddie dela Cerna ay napaaga ang bakasyon."
"Oks lang iyon pa-retiro na naman siya sa susunod na buwan eh."
"Iyon nga ang masama bumantot pa ang pangalan niya, kawawa naman ang pobre."
"Talagang ganoon. Trabaho lang walang personalan."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended