Ang maganang halimbawa ng usaping ito ay ang lokohan tungkol sa kung ano ang kursong gusto ng magulang para sa anak. Ang laging pinapangarap noon ay ang pag-aabogasya, pagdodoktor, inhinyero o di kaya negosyante. Ngayon, ang paborito ay basketbol at pag-aartista; dahil raw sa laki ng kinikita ng mga ito.
Kung tutuusin, may punto ang ganitong pananaw. Hindi naman maaaring lahat ng tao ay abogado, o doktor, o inhinyero. Marami pang ibang trabaho na maaaring gawin ang Pinoy. Yun nga lang, maliit ang kita, di tulad sa America, na kahit maliit na puwesto tulad ng Janitor, lalaban na ang suweldo sa pang araw-araw na pangangailangan.
Madalas itinutumbas natin ang edukasyon sa kinikita ng isang tao. Kapag mataas ang tinapos, siguradong mataas ang kita. Pero hindi na ganyan ngayon. Kung minsan naman, kung ano ang uso at matunog, iyan din ang kursong kinukuha, tulad ng computer engineering at IT. Ang nangyayari tuloy ay nagkakaroon ng over supply. Resulta rin ito ng mababang ekonomiya, at mababang suweldo. Kung saan mataas, doon nagsisiksikan lahat.
Dapat sa pagkuha ng kurso, kung saan ka masaya... suportahan ta ka. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng pantay-pantay na distribusyon sa mga pangangailangang trabaho sa Pilipinas.