Ekonomiya angat, tayo dapa pa rin
June 4, 2002 | 12:00am
UMANGAT nang 3.8 porsiyento ang ekonomiya nung 1st quarter ng taon. Mas maraming nagkatrabaho, mas lumago ang mga propesyon. Umikot ang pera sa kanayunan dahil sa domestic spending sa pagkain, damit at turismo. Umunlad nang husto ang services sector mga negosyo tulad ng sasakyan, media at trading. Umandar din ang pabahay at pananim. Nakikinita ng economists na tuloy-tuloy na ito: Mas sisigla ang darating na buwan. Aangat nang 4.5 porsiyento ang ekonomiya nitong 2002.
Good news, ano? Pero bakit ang hirap pa rin ng buhay sa kabila ng kumikinang na statistics? Dalawang rason ang nakikita ng mga eksperto.
Una, nag-uunahan tayong samantalahin ang economic recovery. Isat kalahating taon dapa ang kabuhayan, mula buong 2000 hanggang unang bahagi ng 2001. Nagsisimula pa lang tayo umahon, pero gitgitan tayo sa pagtamasa ng katiting. Nariyan ang labis na PPA ng electric companies, at patuloy na pagmahal ng gasolinat tuition. Tapos, magtataas na rin ng presyong-tubig ang MWSS concessionaires at pasahe sa jeepney. Parami nang parami ang mga unyong nagwewelga para sa dagdag-sahod.
Payo ng ilang ekonomista, magtiis pa rin ang lahat hanggang lubos na ang economic recovery tulad nung 1996-97. Pero papanong pipigilan ang pagtaas ng kahit anong singil o sahod?
Mas masalimuot ang ikalawang rason. Naggigitgitan na nga tayo, naghihilahan pang pababa. Gumagaling na ang sakiting ekonomiya, pero sinasabi natin lumalala. Imbis na magtiwala tayo sa statistics na lalakas na tayo, tinutuya nating kesyo masyadong mabagal ang recovery. Napaka-negative ng media reporting tungkol sa isyung kabuhayan; puro malagim lang. Walang tigil ang oposisyon sa pagkontra sa programa ng administrasyon; puro kutya.
Lalo tayong nanlulumo sa siraan. Merong economic law of self-fulfilling prophesies. Kapag inisip nating lulubog tayo, lulubog nga tayo.
Lumiham sa Pilipino Star NGAYON o sa [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended