^

PSN Opinyon

Simula ng klase bukas

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
BUKAS ay magsisimula na ang klase ng ilang paaralan samantalang ang iba ay sa Hunyo 10 at 17.

Gaya ng mga nakaraang first day of school, may ilang problemang mararanasan ang mga mag-aaral. Ang iba’y nalilito sa paghahanap ng classroom, kinakabahan sa mga guro na istrikto at ang kawalan o kakulangan ng mga school needs kabilang na ang mga libro.

Bukod sa irereklamong pagtaas ng tuition fees, nangangamba rin ang mga magulang sa karagdagang miscellaneous fees. Napag-alaman din na mas marami ngayong private pre-schools ang nagdagdag ng matrikula.

Maraming magulang ang nagreklamo na hindi man lang sila kinunsulta sa tuition fee hikes. Isang ruling ang ipinalabas sa panahon ni dating Education Secretary Armand Fabella na hindi na nire-require ang consultation sa mga parents kaugnay ng pagtataas ng school fees.

May mga estudyante na nag-rally dahil sa umano’y dadagdagan ng tatlo hanggang limang daan ang babayaran nila bunga ng ‘‘internet’’ na gamit nila lalo sa mga Catholic schools.

Sa pagbubukas ng klase ngayon dapat na mag-ingat, lalo na ang mga mag-aaral sa mga masasamang loob gaya ng mga mandurukot. Mag-ingat din sa pagsakay sa dyipni at bus. Mag-ingat sa pagtawid sa daan. Ingatan ang mga libro, pluma, lapis at bags. Kapag mawala ang mga ito dahil sa kapabayaan ay nakapanghihinayang at kawawa naman ang mga pobreng magulang na gagastos na naman sa mga kagamitang naiwala.

BUKOD

EDUCATION SECRETARY ARMAND FABELLA

GAYA

HUNYO

INGATAN

ISANG

KAPAG

MARAMING

NAPAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with