Bukod sa mga pulis na isinangkot sa rubout sabit din si dating PNP chief Ping Lacson, na ngayoy isa sa mga senador. Sa mga lumalabas na mga balita at akusasyon kay Lacson, marami ang nagsisisi, kung bakit pa ito nailuklok sa Senado.
Sa kabila ng pahayag ng pulisya na pawang mga robbery suspect ang grupo, hindi naman malaman kung paano sasagutin ang reklamo na pawang mga naka-posas ang mga ito nang barilin.
Hanggang kailan pa maghihintay ng katarungan ang mga naiwan ng mga nasawi sa Kuratong Baleleng rubout case, na kung susuriing mabuti, batay sa anyo ng pangyayari, ay tila isang malinaw na karahasan at pang-aabuso ng kapangyarihan sa panig ng pulisya?
May resolusyon na ipinalabas ang Korte Suprema kamakailan at ibinaba sa mababang hukuman para sagutin ang mga teknalidad. Bakit ibinasura ang kaso noong Marso 2000 ni dating Judge Wenceslao Agnir Jr. ng RTC Branch No. 81 ng Quezon City? Ito ay nagpapatunay na buhay pa ang Kuratong Baleleng. Sana ay tuluy-tuloy na ang pagsulong ng katotohanan.