^

PSN Opinyon

Kuratong Baleleng case:May pag-asang mabuksan

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
SUMAPIT na ang ika-pitong taon ng Kuratong Baleleng case kung saan ay 11 katao ang napatay noong madaling araw ng Mayo 18, 1995.

Bukod sa mga pulis na isinangkot sa ‘‘rubout’’ sabit din si dating PNP chief Ping Lacson, na ngayo’y isa sa mga senador. Sa mga lumalabas na mga balita at akusasyon kay Lacson, marami ang nagsisisi, kung bakit pa ito nailuklok sa Senado.

Sa kabila ng pahayag ng pulisya na pawang mga robbery suspect ang grupo, hindi naman malaman kung paano sasagutin ang reklamo na pawang mga naka-posas ang mga ito nang barilin.

Hanggang kailan pa maghihintay ng katarungan ang mga naiwan ng mga nasawi sa Kuratong Baleleng rubout case, na kung susuriing mabuti, batay sa anyo ng pangyayari, ay tila isang malinaw na karahasan at pang-aabuso ng kapangyarihan sa panig ng pulisya?

May resolusyon na ipinalabas ang Korte Suprema kamakailan at ibinaba sa mababang hukuman para sagutin ang mga teknalidad. Bakit ibinasura ang kaso noong Marso 2000 ni dating Judge Wenceslao Agnir Jr. ng RTC Branch No. 81 ng Quezon City? Ito ay nagpapatunay na buhay pa ang Kuratong Baleleng. Sana ay tuluy-tuloy na ang pagsulong ng katotohanan.
* * *
Nagluluksa ngayon ang buong samahan ng VACC sa pagpaslang kay VACC Volunteer Arthur Soberano ng Pasig City, isang kagawad ng Barangay Malinao, Pasig City. Si Arthur ay hinampas sa ulo at binaril ng hindi pa nakikilalang salarin. Tulungan natin ang pamilya ni Arthur.

BARANGAY MALINAO

BRANCH NO

JUDGE WENCESLAO AGNIR JR.

KORTE SUPREMA

KURATONG BALELENG

PASIG CITY

PING LACSON

QUEZON CITY

SI ARTHUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with