^

PSN Opinyon

Illegal na trabaho

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Gerry ay empleyado ng mag-asawang may iba’t ibang negosyo. Ang kanyang prinsipal na gawain ay magmaneho ng dalawang truck ng mag-asawa na humahakot ng mga isda at magkumpuni nito. Paminsan-minsan binibigyan siya ng ibang gawain tulad ng paggawa ng mga dinamita. Ginagawa ito sa ilalim ng bahay ng mag-asawa. Nang ipagbili ng mag-asawa ang kanilang truck, patuloy na nagtrabaho si Gerry sa paggawa ng mga dinamita.

Nasa ganitong gawain si Gerry nang may malakas na pagsabog na naganap sa ilalim ng bahay ng mag-asawa. Namatay si Gerry at nakasuhan ng homicide ang mag-asawa. Ang biyuda ni Gerry ay humiling din ng kaukulang bayad ayon sa Workmen’s Compensation Act dahil sa pagkamatay ni Gerry. Tinanggihan ito ng mag-asawa. Illegal daw ang ginagawa ni Gerry nang mangyari ang sakuna. Kaya hindi ito sakop ng Workmen’s Compensation Act. Tama ba ang mag-asawa?

Mali.
Hindi si Gerry ang may illegal na gawain kundi ang mag-asawang pinaglilingkuran niya. Empleyado lang si Gerry ng mag-asawa. Siya’y nasa ilalim ng kanilang kapangyarihan at pamamahala, kaya maaring ipagawa sa kanya ng mag-asawa ang anumang tulad ng illegal na paggawa ng dinamita. Si Gerry ay legal, opisyal at pangunahing driver ng mag-asawa. Kahit na siya’y pinagagawa ng ibang trabaho tulad ng paggawa ng dinamita, ito’y hindi makahahadlang sa kanyang mga naiwan na tumanggap ng benepisyo sa ilalim ng batas. Bukod dito, kahit may mantsa ng ilegalidad ang ginagawa ni Gerry, ito’y hindi makasisira ng kanyang karapatang tumanggap ng kabayaran sa ilalim ng Workmen’s Compensation Act. Maluwag ang batas para sa kapakanan ng manggagawa (Bucatan vs. WCC 67 SCRA 410).
* * *
Maaaring mag-e-mail kay Atty. Sision sa [email protected]

ASAWA

BUCATAN

BUKOD

COMPENSATION ACT

EMPLEYADO

GERRY

GINAGAWA

MAG

SI GERRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with