^

PSN Opinyon

Awit ng pasasalamat

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NGAYON ay kapistahan ng Mahal na Birhen ng Visitacion o Pagdalaw. Dumalaw si Maria sa kanyang pinsang si Elisabet. Nang pinuri ni Elisabet si Maria dahilan sa dakilang biyayang kanyang natanggap sa pagiging Ina ng Diyos, ang tugon ni Maria ay ang kanyang awit na Magnificat.

Si Lukas ang may-akda ng mga pangyayaring ito tungkol sa kabataan ni Jesus (Lk. 1:39-56).

"Hindi nagtagal at si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya ni Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet at buong galak na sinabi, ‘Pinagpala ka sa mga babae at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasabi sa iyo ng Panginoon!’

"At sinabi ni Maria, ‘Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon at nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin! At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi, dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan — Banal ang kanyang pangalan! Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, pinangalat niya ang mga palalo ang isipan. Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono at itinaas ang mga nasa abang kalagayan. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang, kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!’

"Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan at saka umuwi."


Ano ang pinasasalamatan sa Diyos ni Maria? Si Maria ay isang abang babaeng Judio. Datapwat pinili siya ng Diyos upang maging ina ng Mesias. Maraming dakilang bagay ang ginawa ng Diyos para sa kanya. Pinalaya siya ng Diyos mula sa anumang bahid ng kasalanan. Si Maria’y malinis na malinis at busilak.

Si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay kukuha ng kanyang pagkatao mula kay Maria. Sa pamamagitan ni Maria, si Jesus ay magiging isang tao kabilang sa lahat ng sangkatauhan. Nakita ni Maria ang lahat ng mga dakilang bagay na ito. Pinapurihan niya ang Diyos mula sa kaibuturan ng kanyang puso dahil sa lahat ng mga ito. Nanatili si Maria na kasama si Elisabet upang paglingkuran ang kanyang kagampang pinsan.

Ang araw na ito ay nagkataong ika-60 taong anibersaryo ko bilang isang Heswita. Ako rin ay napakaraming mga biyayang dapat ipagpasalamat sa Diyos.

DIYOS

ELISABET

ESPIRITU SANTO

KANYANG

MARIA

NANG

NIYA

PANGINOON

SI MARIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with