Pinaka-mahalagang leksiyon sa buhay (3)
May 31, 2002 | 12:00am
MURA pa ang ice cream sundae noon.
Pumasok sa isang coffee shop sa hotel ang 10-anyos na bata at naupo sa bakanteng mesa. Naglapag ang waitress ng isang basong tubig. Tinanong siya ng bata, "Magkano ang ice cream sundae?" Kabisado ng waitress ang presyo: "Limang piso."
Binunot ng bata ang pera niya sa bulsa. Ilang beses binilang ang barya. Tapos, nagtanong uli, "E kung plain ice cream na lang, magkano?" Marami nang ibang diners na pumasok sa coffee shop at naghahanap ng mesa o naghihintay na silbihan. Nagmamadali na ang waitress, at sininghalan niya ang bata, "Tres-singkuwenta."
Binilang muli ng bata ang pera sa kamay. Minamadali na siya ng waitress, "O, ano, o-order ka na ba o hindi?" Nagkibit-balikat ang bata, "Opo, bigyan niyo na lang ako ng plain ice cream."
Dinala ng waitress ang in-order na ice cream. Nag-e-enjoy pa ang bata sa pagkain ng palamig nang bumalik ang waitress para iwanan ang chit. Nang maubos ang ice cream, iniwan ng bata ang pera sa tabi ng chit sa mesa, at lumakad na.
Napaluha ang waitress nang bumalik siya sa mesa para magligpit. Nagsisi sa ipinakitang kasungitan. Ang iniwan ng bata ay limang piso. Yun pala, tiniis na lang niya ang plain ice cream imbis na umorder ng paboritong sundae dahil inaalala niyang wala siyang maibibigay na tip sa waitress.
Pangatlong pinaka-mahalagang leksiyon ito sa buhay: Alalahanin natin ang mga nagsisilbi sa atin.
Malaki na ang batang yon ngayon. Nagpapatakbo ng sariling negosyo. Tahimik ang buhay at matiwasay ang pamilya. Sikat sa komunidad at madalas nating mapanood sa TV. At higit sa lahat, mahal na mahal siya ng kanyang mga empleyado, kasosyo at kapitbahay.
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8-10 n.u., DWIZ 882-AM.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest