^

PSN Opinyon

Compulsive gambling II

- Al G. Pedroche -
GUSTO kong ipagpatuloy ang paksa na nasimulan natin noong Sabado. Ang tungkol sa compulsive gambling (pagkasugapa sa sugal) at ang ginagawa ng PAGCOR para bakahin ang sakit na ito.

Sa inisyatibo ni PAGCOR chairman Efraim Genuino, at sa tulong ng Philippine Foundation on Compulsive Gambling, Inc. (PFCGI), magtatalaga ng mga psychiatrists who will be on call 24-hours a day para sa mga compulsive gamblers na ibig hingin ang kanilang counselling.

Maraming gambling addicts here and abroad na nagkawindang-windang ang buhay dahil sa sugal. May mga dating mayayaman na dahil sa hangaring lalong yumaman ay naipatalo ang lahat ng kabuhayan sa sugal. As a result, some have either lost their sanity or resorted to suicide.

Kaya timely ang programang ito ni Mr. Genuino which is first in the history of PAGCOR. As far as I know, walang ibang namuno sa PAGCOR na nakaisip ng ideyang ito.

Dahil ang PAGCOR ay ahensya ng pamahalaan, hindi ito dapat magtaguyod ng pagkasugapa. Gaming must be seen as pure entertainment and fun at hindi isang paraan para magkamal ng yaman hanggang sa lalong lumubog sa kahirapan ang isang nagsusugal.

Yung mga nagiging sugapa sa sugal ay may pathological disorder na dapat gamutin. Sometimes indeed, may mga pagkakataong ang isang nagsusugal ay nagiging alipin ng isang masamang bisyo.

Walang pinag-iba iyan sa alkohol. May mga social drinkers na ubrang uminom at ubra rin namang hindi. Meaning, ang pag-inom ay isang paraan lang para makipag-fellowship sa ibang tao.

Ngunit kapag ang isang tao’y nanginginig na ang kalamnan kung hindi masayaran ng alkohol ang bibig, ito’y isa nang masamang palatandaan na ang taong ito’y alipin na ng alak. Ganyan din sa sugal.

So, hangad ko ang tagumpay ng programang ito ng PAGCOR laban sa gambling addiction.

COMPULSIVE GAMBLING

DAHIL

EFRAIM GENUINO

GANYAN

ISANG

KAYA

MARAMING

MR. GENUINO

PHILIPPINE FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with