Hindi akalain ni Tomas na pagkaraan lang ng dalawang araw ay nakalabas na si Rogelio. Kaya isang umaga, tatlong araw lang pagkaraang ma-rape ang asawa, nakita ni Tomas si Rogelio habang patungo ng trabaho. Hinarap ni Tomas si Rogelio. Napatay ni Tomas si Rogelio. Inamin ni Tomas na siya ang pumatay kay Rogelio ngunit itoy ginawa lang niya bilang self-defense.
Sa paglilitis hindi napatunayan ni Tomas na pagtatanggol sa sarili ang kanyang ginawa. May saksing nakakita na hinahabol niya at sinaksak si Rogelio ng dalawang beses sa dibdib. Kaya siya ay naakusahan ng homicide. Sa pagpataw ng parusa, sinabi ni Tomas na dapat daw ay tinuring ng Korte ang kanyang pagsilakbo ng damdamin at kalituhan (passion and obfuscation) upang higit na gumaan pa ang kanyang parusa. Ito raw ay mga pangyayaring nagpapagaan ng kasalanan (mitigating circumstance). Tama ba si Tomas?
Mali. Upang ang pangyayaring itoy mapahalagahan, kailangan ay (1) may gawaing mali at sapat na nagpapasilakbo ng damdamin at nagpataranta; (2) ang gawaing itoy hindi katagalang nangyayari at (3) ang silakbo at kalituhan o katarantahan ay sanhi ng tamang damdamin at hindi ng paghihiganti.
Sa kaso ni Tomas, kahit sabihin pang nagsilakbo ang damdamin niya at siyay nataranta dahil sa ginawa ni Rogelio sa kanyang asawa, ang kinilos naman niya ay hindi tama sapagkat itoy pawang paghihiganti lang. Bukod dito, ang saksakan ay nangyari pagkaraan lang ng tatlong araw mula nang ma-rape ang kanyang asawa. Kaya ang gawain nakapagsimbuyo ng kanyang damdamin at nagpataranta sa kanya ay may kalayuan na sa ginawa niyang pananaksak. Sa katunayan nga pagkaraan lang ng 24 oras mula ng nagsilakbo ang damdamin at nataranta ay matagal na upang maituring na ang ginawa niyay sanhi lang ng silakbo ng damdamin at kalituhan.
Kaya si Tomas ay dapat makulong mula anim na taon at isang araw hanggang 12 taon at isang araw (People of the Philippines vs. Caber Ser. G.R. No. 129252 November 28, 2000).