"Magkakamay tayo para huwag nang maghugas ng kutsara at tinidor, biro ni Tata Poloniong.
E, di sa palayok na tayo kumain para hindi na maghugas ng pinggan," susog ko.
Napatawa si Tata Poloniong.
Tuwing maubos ang laman ng aking pinggan ay nilalagyang muli ni Tata Poloniong. Tanda ng pagmamahal ko sa iyo Doktor.
Busog na ako. Baka hindi ko maubos e sayang naman.
May aso, pusa, manok at baboy na naghihintay.
May natututuhan ako araw-araw sa inyo Tata Poloniong, sabi ko.
Alam ba ninyo kung bakit alas-sais eh kumakain na tayo?
Dahil sa gutom na tayo.
Hindi. Ang dahilan ay hinahabol natin ang liwanag ng araw. Di gaya sa siyudad na may elektrisidad.
Tingnan mo nga naman.
Itong mangkok ng tubig, ano ito sa inyo? tanong ni Tata Poloniong.
"Para hugasan ng kamay, hindi ho ba? sagot ko.
Ang tawag dito ay hinawan. Hindi para maghugas pero para lamang basain ang mga daliri. Sa ganon hindi didikit ang kanin.
Kaya pala sinabi iyon ni Tata Poloniong ay napansin niya na puro butil ng kanin ang daliri ko dahil nalimutan kong isawsaw ang kamay ko sa hinawan.