^

PSN Opinyon

Putik

- Ni Robert L. Sagum -
MALAKAS ang ulan sa labas. Ang matalim na kidlat ay gumuguhit. Ngunit para kay Ariel, walang malakas na ulan at matalim na kidlat na maaaring pumigil sa kanya.

Kinuha ni Ariel ang puting t-shirt at itim na pantalon kasama ang tuwalya at itim na brief. Papasok na siya ng banyo nang marinig niya ang boses ng inang si Aling Cora.

‘‘Lalabas ka rin ba Ariel?’’ Paos ang boses.

‘‘Opo, Inay.’’

"Malakas ang ulan huwag ka nang pumasok at baka magkasakit ka.’’

‘‘Hindi puwede Inay, kailangan ako ngayon sa club. May pagtatanghal kami ngayong gabi.’’

Tuluyan nang kinain ng sira-sirang pintuan ng banyo si Ariel at maya-maya’y narinig ni Aling Cora ang lagaslas ng tubig dahil sa madalas na pagbuhos ni Ariel. Napapikit si Aling Cora.

Macho dancer si Ariel. Sa murang edad ay namulat na siya sa kahirapan ng buhay. Lumaki siyang walang nakilalang ama at ang bagay na iyon ay hindi na niya pinag-aksayahan ng panahon para malaman kung bakit. Para sa kanya ayos na ang magkasama silang mag-ina. Masaya na sila kahit madalas ay nagdidildil ng asin. Hindi nakatapos ng high school si Ariel dahil maagang ginupo ng sakit si Aling Cora. Napilitang tumigil sa pag-aaral si Ariel at naghanap ng trabaho.

Sa una ay hindi matanggap ni Aling Cora ang trabahong kinasadlakan ni Ariel. Maruming trabaho ang macho dancer. Nagbibilad ng katawan at nagbibigay ng panandaliang aliw sa mga bakla at matrona.

Wala na ang lagaslas ng tubig sa banyo. Lumabas si Ariel na bihis na. Lalong tumingkad ang kamachohan. Matipuno ang kanyang katawan. Nag-spray siya ng pabango. Naamoy iyon ni Aling Cora. Nanunuot sa kanyang ilong, tuloy sa kanyang puso at ang kasunod noon ay luha sa kanyang mga mata. Lulusong na naman sa putikan ang kanyang anak.

‘‘Aalis na ako Inay. Huwag n’yong kalimutang inumin ang gamot para mabilis kayong gumaling.’’

Hindi na hinintay pang sumagot ang ina at mabilis itong lumabas ng bahay at tinungo ang sakayan ng tricycle sa kanto. Mahina na ang ulan subalit may gumuguhit pang kidlat sa langit na nagbibigay ng panandaliang liwanag sa buong kapaligiran na binabalot ng kadiliman. Naaninag ni Ariel ang nagpuputik na daan.

Sumalin siya sa isang dyipni at nagsimula na namang lumakas ang ulan. Eksaktong bumugso ang ulan ay narating niya ang club na pinagtatrabahuhan. Patakbo niyang tinakbo ang pintuan ng club.

Pagpasok ay nasamyo niya ang amoy-usok ng sigarilyo galing sa loob. Pumasok siya. Sa wari niya, nakisabay ang patay sinding ilawan sa matalim na kislap ng kidlat sa labas. Ang ingay ng ulan ay tinalo ng maharot na tugtugin sa loob ng club.

Marami nang kaluluwa ang nasa loob ng club. Hindi nila pansin ang unos na nagngangalit sa labas. Ang mahalaga sa kanila ay ang mag-enjoy sa mga oras na iyon.

Nagsimula nang mag-perform ang mga macho dancer kasama si Ariel. Umiindayog ang kanyang katawan sa entablado. Kapiranggot ang nakatabing sa ari. Habang ginagawa iyon, mayroong isang ina ang taimtim na dumadalangin. Na sana makaahon sa putikang kinadapaan ang kanyang anak. Idinadalangin niyang ang putik ay mahugasan sana ng malakas na unos na patuloy na bumubuhos.

vuukle comment

AALIS

ALING

ALING CORA

ARIEL

CORA

EKSAKTONG

HABANG

INAY

KANYANG

ULAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with