Sa isang pag-aaral, ang brisk walking sa loob ng 30 minuto ay malaki ang pakinabang at naikukumpara sa mabibigat o mahihirap ang ehersisyo. Ang idinudulot nang mabibigat na ehersisyo ay katumbas din halos ng mabilis na paglalakad. Wala pang gaanong gastos ang ehersisyong ito at maaaring gawin ng kahit sino. Kailangan lamang ang matibay at malambot na sapatos sa paglalakad.
Sinasabi sa pag-aaral na ang mga babaing regular kung mag-ehersisyo ay napabababa ang kanilang timbang at hindi na sila tumatabang muli. Ang pag-eehersisyo ay epektibo sa psychotherapy, relaxation, at meditation. Mabisa para maalis ang stress at depression.
Ang katamtamang aerobic exercise ay pinabababa ang blood pressure at pinatataas ang level ng HDL. Ang HDL ay ang good cholesterol na humahadlang sa LDL (good cholesterol) para mag-build up sa coronary arteries.
Paano mami-maintain ang moderate activity sa araw-araw? Narito ang ilang mga tip: 1.) Kung may kotse, iparada ito sa dakong malayo sa loob ng parking lot at maglakad; 2.) Gumamit ng hagdan sa halip na elevator; 3.) Maglakad na kasama ang alagang aso; 4.) Sa susunod na pupunta kayo sa mall, maglakad nang mabilis sa perimeter; 5.) Maglaan ng 10 hanggang 15 minuto sa garden; 6.) Mag-rent ng exercise tape kung kayo ay nasa video store; 7.) Maglaan ng panahon sa active time ng inyong mga anak; 8.) Mag-bike, hiking, throw ang ball; 9.) Subukan ang ibang exercise o makipagsayaw sa inyong partner; 10.) Makinig sa music upang maalis ang pagkabagot at upang mapabilis ang inyong pace.