^

PSN Opinyon

Maraming gamit ang upo

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
ISANG umaga ay nagkakuwentuhan kami ni Tata Poloniong. Marami akong itinanong tulad ng ‘‘Ano sa inyong pakiwari, Tata Poloniong ang pinakamagamit na gulay?’’

‘‘Ang upo.’’

‘‘Ibig ninyong sabihin ay nagagamit ang bunga, dahon, tangkay, bulaklak at ugat ng upo?’’

Napatawa si Tata Poloniong. ‘‘Maraming gamit sa buhay natin ang upo.’’

At binanggit nito ang mga gamit: ‘‘Ang pabilog na bunga ng upo pagtuyo na ay ginagawang sombrero. Pinuputol ang bunga pero ang tangkay na patulis ay hindi dahil maganda ang anyo.

‘‘Maaari ring gawing lampara ang upo. Lalagyan lang ng dibuho.

‘‘Karaniwan ang tuyong bunga ng upo ay ginagawang alkansiya. Hindi sinasayang ang buto ng upo. Sinusungkit ito para maitanim.

‘‘Malimit ding gawing lalagyan ng tubig. Marami ang naniniwala na nananatiling malamig ang tubig sa bunga ng upo.’’

‘‘Huwag na nating kanin ang upo,’’ sabi ko.

‘‘Bakit naman, Doktor?’’

‘‘Kasi napakaraming gamit pala ang gulay nito.’’

Humagalpak ng tawa si Tata Poloniong.

ANO

BAKIT

DOKTOR

HUMAGALPAK

HUWAG

IBIG

KARANIWAN

MARAMI

TATA POLONIONG

UPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with