Kahit kaunting pagtingin lang General Pasiños
May 25, 2002 | 12:00am
KAWAWANG mga pulis ng Western Police District Office (WPDO) ang nagkukumahog sa pagsumite ng kanilang mga pangalan sa Personnel Department ng naturang headquarter upang mapasama sa Meritorious Promotion.
Ang naturang promotion ay dapat sana mapasakanila kung hindi lamang nagpabaya ang mga tamad na opisyales ng WPDO matapos ang madugong sagupaan ng mga supporter ni dating President Joseph Estrada na nagpumilit sumakop sa Malacañang noong May 1, 2001.
Dahil dito mga suki, humingi ng tulong ang mga pulis sa mga mamamahayag na lihetimong miyembro ng WPD Press corps. Ang mga kawawang mga pulis ay nagpagawa ng mga affidavit sa akin upang magpapatunay na sila ay nasa Malacañang ng umagang iyon na lusubin ng mga supporter ni Estrada.
Kabilang sa mga mamamahayag na kanilang nilapitan ay sina Aya Yupangco, radio reporter ng DWIZ; Edong Reyes, chief photographer ng Journal group; Freddie Mañalac, National Press Club director at Ramon Samson ng Tempo na ng panahong iyon ay pawang naka-assign sa naturang rally at kabilang din sa mga nasaktan ng salakayin ng mga supporter ni Estrada ang Malacañang.
Bakit naman nakalimutan kaming mga pulis na mapasama sa promotion gayong kami ang nasa frontline ng panahong iyon? Hindi man lamang nila binigyan ng halaga ang aming paghihirap sa kabila ng sakit na aming dinanas sa mga pagtutulak at pambabato ng mga pro Erap. Ito ang mariing hinaing ng ilang pulis na lumapit sa akin.
Maalala ko na ilang beses ko na rin itong tinalakay sa regular na ugnayan sa WPD di ba General Nicolas Pasiños Jr.? Noong una ang sagot nyo sa harap ng mga mamamahayag ay karapat-dapat lang na bigyan ng promotion sila dahil sa matagumpay nila na naisalba ang Malacañang sa mga kamay ng Erap supporter?
At nang muli tayong nagkaharap ay tahasan naman ninyong sinabi na ang lahat ng miyembro ng WPDO na napasabak sa madugong dispersal ay inyong ipo-promote dahil na rin sa kautusan ni President Gloria Macapagal-Arroyo. At nang muli kong tanungin sa inyo at kung bakit hindi pa ninyo ipinapaskil ang talaan ng mga pulis na karapat-dapat na ipromote ay iyong ipinasa kay P/Supt. Arnulfo Espiritu na ngayon ay isa nang Senior Superintendent.
Ang usaping ito ay hindi ko naman itinutulak lahat kay General Pasiños ngunit ang mahalaga rito ay dapat lamang na ibigay ninyo sa mga pulis ang kaunting pagtingin upang sila naman ay magkaroon ng inspirasyon sa kanilang pang-araw-araw na pagsisilbi sa mamamayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended