^

PSN Opinyon

Guwapong pari sa Isabela me 'niyayaring' nurse at doktora

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang super tulis ang isang pari sapagkat dalawa ang ‘niyayari ’ niyang chiching?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Rep. Mayo Almario ng Davao Oriental; Rep. Rico Augmentado ng Bohol; Rep. Francis Nepomuceno ng Pampanga at Rolly Balmori ng Anito Lodge.
* * *
Alam n’yo bang lady killer pala ang isang pari sa Isabela?

Ayon sa aking bubuwit, matindi ang paring ito sapagkat ang kanyang "niyayari" ay mga may asawa. Dalawa ang kanyang chiching.

Ang chiching ng pari ay isang doktora na hiwalay sa kanyang mister na doktor at ang pangalawa ay isang nurse na ang mister ay overseas Filipino worker (OFW). Habang kumakayod ang mister ng nurse sa abroad, siya naman ang kinakayod ng pari.

Grabe ka, Father. Dapat sa iyo ay ipako sa krus!
* * *
Ayon sa panganay na anak ng doktorang chiching ng pari, batay sa aking panayam sa DZRH, ang lubos nilang ikinagagalit kay Father ay ang panghuhuthot pa nito ng pera sa kanilang ina.

Mantakin n’yo naman, ibinili pala si Father ng condo unit sa Manila at brand new car na Nissan Exalta. Bukod diyan madalas pa niyang hingan ng pera ang doktora. Sabi ng anak ng doktora na si Ms. Denden, hindi nila maintindihan kung ano ang ginagawa ng pari sa kanilang ina sapagkat baliw na baliw ito sa pari.

Sila ay nag-date na rin sa Hong Kong, Boracay at Zambales. Meron pa silang mga litratong very sweet.

Ang isa pang nakakahindik dito, kapag dumadalaw ang pari sa bahay ng doktora ay pinaaalis ang kanyang mga anak upang makapagdaos sila ng carnal knowledge sa kuwarto.

Dahil sa kahihiyang inabot ng kanilang pamilya, pinalayas nila ang kanilang ina.

Grabe itong ginawa mo, Father!
* * *
Ang nurse naman na chiching ni Father ay dalawang beses nang nagpa-abort. Salbahe talaga ang paring ito!

Magandang lalaki kasi si Father kaya marami ang nagkaka-crush sa kanya. Siya ay tall, dark and handsome. At saka bata pa, paga-trenta’y uno anyos lang.

Ang chiching niyang doktora ay maputi at maganda pa rin ay 49-anyos. Itago na lang natin siya sa pangalang Dr. R. as in Red Bull.

Ang nurse naman ay paga-betty siyete anyos. Maganda rin at morena naman. Itago natin siya sa pangalang Mrs. E. as in Emperador.

At ang paring super tulis ay walang iba kundi si Fr. M. as in Fr. Matulis ng Isabela.

vuukle comment

ANITO LODGE

AYON

DAVAO ORIENTAL

DR. R

FRANCIS NEPOMUCENO

GRABE

HONG KONG

ISABELA

PARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with