Magpakita ka ng pangil Secretary Lina
May 22, 2002 | 12:00am
HINDI lang pala mga tong collectors ang gumagamit ng pangalan ni Interior Secretary Joey Lina sa jueteng kundi maging ilan pang kalalakihan na gustong patahimikin at palawakin ang operasyon ng naturang sugal sa ibat ibang bahagi ng bansa. At kung gagawing basehan ang nangyari sa Pangasinan, paano na lang itong ipinangalandakan ni Lina na ipapasara niya ang jueteng sa isang taon eh pangalan niya mismo at ng First Couple, Philippine National Police chief Dir. Gen. Leandro Mendoza at regional director ng PNP ang binabanggit para mabuksan o palawakin ang naturang sugal?
Kung buong tapang na sumugod sa Pangasinan itong grupo ni Atty. Jose Allan Tebelin na gamitin ang pangalan ni Presidente Gloria Arroyo, asawa nitong si Mike Arroyo, Lina at Mendoza, ibig sabihin niyan nangyayari rin ang ganitong sitwasyon sa ibang bahagi ng bansa, di ba mga suki? Kung totoo itong pagyayabang ni Tebelin, tama lang ang obserbasyon ng mga junior officers ng PNP na panay pampapogi lang itong panibagong kampanya ni Lina sa jueteng.
Paano, kaliwat kanan ang pagdawit ng pangalan niya sa illegal na sugal at wala naman siyang ginagawa para linisin ito. Mukhang panay photo-ops lang itong nangyari sa Illegal Gambling Summit sa Camp Crame noong Abril 3, anang mga junior officers ng PNP. Kasi nga taliwas naman sa mga kumpas at pagsisigaw ni Lina ang ginagawa ng mga regional directors, district directors, provincial at station commanders ng pulisya. Palaging nakabukas ang mga palad nila. He-he-he! Pampalaki lang ng intelihensya lahat yan.
Kung sa unang araw na nagalit si Lina sa jueteng eh abot-langit ang nerbiyos ng masa, lalo na yaong kabo at rebisador, sa ngayon kampante na sila. Ayon sa kanila, wala palang lason itong laway ni Lina. Ano ba yan? At ang problema pa ng mga jueteng financiers, hind lang mga kalalakihang bumabanggit ng pangalan ni Lina ang umiikot sa ngayon dahil nadagdagan pa.
Kung anu-anong unit ng pulisya, lalo na sa Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame ang naglulutangan para pahirapan itong mga jueteng financiers. Ilang beses na nating hinamon si Lina na arestuhin niya ang kalalakihang gumagamit ng kanyang opisina sa tong collection subalit nagbingi-bingihan siya. Ibig bang sabihin niyan may basbas niya ng ilegal na aktibidades nila? Bakit tahimik siya kapag ang grupo ng tong collectors ang pag-uusapan?
Ang kuntensiyon natin mga suki, kapag naaresto ni Lina at nakalaboso itong grupo ng tong collectors eh sino pa ang o-orbit sa mga jueteng financiers? Kapag nangyari yon, madali nang masugpo itong jueteng dahil wala nang leak ang raid ng pulisya natin dahil naputol na ang unholy alliance ng tong collectors at mga financiers. Magpakita ka ng pangil mo para maniwala ang sambayanan na seryoso ka sa jueteng campaign Sec. Lina. Aksiyon ang gustong makita ng sambayanan at hindi puro dada.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am