Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Manay Lolit Solis, Edwin Montilla ng MBC; Rep. Uliran Joaquin ng Laguna; Caloocan City Mayor Rey Malonzo, Sgt. Tony Fortes ng Ft. Bonifacio, Bernadette Cabingan, Elmer Cabingan at Jones Campos ng Globe.
Ayon sa aking bubuwit, ang sekreto pala ng senador ay isang maganda at mestisahing chiching.
Ang chiching ang nag-aalaga kay senador five times a week. At magkapiling sila ng dalawang oras, araw-araw. Kung hindi dahil sa naturang chiching, baka natsugi na umano si Senador.
Sino ba naman kasi ang mag-aakalang lalakas pa nang husto si Senador matapos atakihin sa puso. Nung tamaan ng atake si Senador ay inakala noon ng kanyang mga kaibigan na isang bulate na lang ang hindi pumipirmat kukunin na siya ni Lord. Pero, nagkamali sila sapagkat mahal pa rin siya ni Lord. At merong chiching na nag-alaga sa kanya.
Ang chiching na kasama ni Senador ay maputi, maganda, may taas na 53, ang edad ay paga-tirintay singko anyos at mahusay magmasahe. Ito pala ang pinaka-theraphy ni Senador kaya mabilis siyang gumaling.
Kaya kung mayroon kayong problema sa inyong puso o katawan matapos atakihin sa puso konsultahin at gayahin si Senador.
Pasensiya ka na Senador, hiniram ng aking bubuwit ang inyong masahista sa Club Intramuros, Manila at napatunayan niyang mahusay magmasahe si Ms. Weng. Siya pala ang inyong sekreto.
Kung hindi nyo mahagilap ang naturang senador ng tanghali, hanapin lang siya sa Barber Shop ng Club Intramuros at nandoon siya.
Ang senador na gumaling at lalo pang lumakas dahil sa magandang pag-aalaga sa kanya ng isang magandang chiching ay si Sen. B.O. as in Sen. Blas Ople.