Bukod sa mga pulis na isinangkot sa kaso, iniugnay din si dating PNP chief Ping Lacson, na ngayoy isa sa mga senador ng bansa. Sa kaliwat kanang akusasyon laban kay Lacson, marami ang nagsisisi, kung bakit pa pa siya nailuklok sa Senado.
Sa kabila ng pahayag ng pulisya na mga robbery suspect ang grupo hindi naman malaman kung paano nila sasagutin ang reklamo na pawang mga naka-posas ang mga ito nang barilin.
Bukod sa witness na si Police Officer Abelardo Ramos, isa pa ring pulis ang lumutang at nagbigay ng kanyang nalalaman sa naturang kaso. Sa sinumpaang salaysay noong 1999 ni Insp. Ysmael Yu kabilang siya sa operasyong inilunsad ng PNP laban sa Kuratong Baleleng. Bilang pinuno ng Entering Team na papasok sa bahay sa Superville, Parañaque, sinabi ni Yu na sumuko nang mapayapa ang mga suspect. Matapos ito, bumalik na si Yu sa kanyang headquarters dahil tapos na raw ang tungkuling iniutos sa kanya ng mga opisyal.
Kinabukasan, nagulat na lamang umano si Yu nang mabalitaan niyang pinagpapatay ang mga nabihag, kabilang ang isang dating pulis na si Carlito Alap-ap, na kanyang nakilala habang dinarakip nila ang grupo. Nagtaka si Yu kung bakit ganon ang sinapit ng grupo gayong hindi naman sila armado nang gabing dinakip nila.
Marami ang naghihintay sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong ito. Abangan!