Editoryal - Iligtas ang mga 'batang' rugby
May 19, 2002 | 12:00am
Gaano ba ka-seryoso ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kapakanan ng mga batang lansangan at mga pulubi na nalululong sa rugby? Gaano ba kalayo ang nararating ng mga mata ng namumuno sa DSWD at hindi maabot ng tingin ang mga naglipanang batang lansangan na ngayoy natutuyo na ang utak sa kasisinghot ng rugby? Bat di subukang pasyalan ng DSWD ang kahabaan ng Rizal Avenue upang makita ang katotohanan. Doon sa may Doroteo Jose St. malapi sa hagdanan ng Light Rail Transit (LRT) ay maraming batang lansangan na lasing sa rugby. Iyon ang pagkain ng kanilang utak upang malimutan ang pag-aalburuto ng kanilang mga bituka.
Noong nakaraang taon, minsan nang napansin ni DSWD Sec. Dinky Soliman ang lantarang pagbebenta sa mga bata ng rugby at iba pang solvent materials. Sinabi ni Soliman na hindi dapat basta magbenta ang mga may-ari ng tindahan ng solvent lalo sa mga bata. Mahaharap aniya sa kasong kriminal ang mga may-ari kapag napatunayang nagbenta ng rugby. Ito ang natatandaan namin na una at huling pagpansin ni Soliman sa lantarang pagbebenta ng rugby. Wala na kaming narinig pa mula sa kanya.
Ngayon ay mas malala na ang pagbebenta ng rugby at pinagkakakitaan na ng mga negosyante. Maski ang mga batang lansangan ay malayang nakabibili sa mga maliliit na tindahan. Maski may mga pulis ay hindi na rin sila natatakot na magbenta. Wala namang naniniwala sa pulis sapagkat karamihan pa nga ay kasapakat sila ng mga may tindahan. Maski pa nga malapit sa opisina ng barangay ang nagbebentang tindahan ay hindi rin natatakot. Pera lamang ang katapat sa nangyayaring ito. At mas matindi ang ibinubunga sapagkat mas maraming batang lansangan ang itinulak sa pagkatuyo ng kanilang utak.
Kung ang DSWD ay walang lakas para sagipin ang mga batang lansangan sa lalo pang pagkatuyo ng utak, dapat na kumilos ang mga senador at mambabatas upang maparusahan ang mga nagbebenta ng rugby at nang maisalba ang mga batang lansangan. Si Sen. Robert Barbers ang principal author ng Dangerous Drugs Act of 2002 na ang sinumang mahulihan ng 50 grams ng shabu ay parurusahan ng kamatayan. Dapat bigyan ng ngipin ni Barbers ang Presidential Decree No. 1619 na nagbabawal sa pagbebenta ng rugby, glue at iba pang volatile substances. Iligtas ang mga batang rugby sa pagkatuyo ng utak.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended