Ang magandang bangus ay dapat na pula ang hasang, maayos ang kaliskis, hindi pantay na buntot, maliit ang ulo, mataba at hindi lasang lupa, ayon sa mga tagapamahala ng paligsahan. Walang patungkol sa kasarian ng bangus. Marahil, maliit na bagay iyon kung ang tanging hangarin mo ay kainin ito.
Ang naturang Bangus Rodeo ay hindi katumbas ng mga karaniwang patimpalak ng kagandahan. Hindi maaaring maihambing ang ganda ng bangus sa karikitan ng mga binibining kalahok na may mga kakaibang katangian. Ang mga babae ay may kamay at paa. Wala silang hasang, kaliskis, maging buntot. Malaki ang kanilang mga ulo at mayroon silang mga tainga, buhok at mga nangangarap na mata. Maikli rin ang kanilang mga kasuotan.
Sa bandang huli, ang kakainin ng bangus ang siyang magpapasya. Sa kasong ito, hindi niya maaaring pairalin ang sawikain na kagandahan ang nasasa nagmamasid. Ang maganda sa tagpong ito ay ating nangangatain at kakainin.
Anumang maganda, maging ito man ay bangus o babae ay pinabubuti ang ating buhay. Ngunit hindi gaya ng mga babae, na kayang magpuyos sa galit at pagsarhan ka ng kuwarto, ang bangus ay masarap sa panlasa.