^

PSN Opinyon

Sino ang may sala: MERALCO o NAPOCOR

- Al G. Pedroche -
MERALCO ang sinisisi ni Asiselo Gonzaga, presidente ng National Transmission Co. (Transco) sa mainit na isyu ngayon tungkol sa Purchased Power Adjustment (PPA).Gonzaga accuses MERALCO of over-contracting its supply of electricity. Diyan aniya nagsimula ang problema.

Sagot ng MERALCO, "NAPOCOR ang sisihin". Kung tutuusin daw, ang mga kinontratang Independent Power Producers (IPP) ng NAPOCOR ay apatnapu samantalang ang sa MERALCO ay dadalawa lang.

"Basura" ang argumento ni Gonzaga say ng MERALCO. Ani Gonzaga, "MERALCO is our biggest customer and we don’t want to antagonize it." Pero inaway na nga eh!

Kung tutuusin, lumalabas na "kulektor" ng NAPOCOR ang MERALCO sa dagdag na pabigat na PPA para mabayaran ang malaking atraso sa mga kinontratang IPP.

Sinisisi ang MERALCO sa pagtatayo ng Sta. Rita at San Lorenzo IPPs na may kapasidad na 1,500 megawatts kahit may "over-capacity" sa industriya na 1,500 MW. Ngunit anang MERALCO, ang gobyerno ni Fidel Ramos ang umobliga sa kompanya na itatag ang dalawang IPP nang ang hepe ng NAPOCOR noon ay si Francisco Viray.

At ang kakatwa nito’y nagsimulang itayo ng NAPOCOR ang gas-powered Ilijan plant nang mayroon nang over-supply ng elektrisidad. Kaya paano nga naman sisisihin ang MERALCO?

Ani Gonzaga, ang singil ng Sta. Rita plant ng MERALCO ay mataas (P2.47/KWH) kumpara sa NAPOCOR na P2.00 lang. But upon inquiry, I found out that the Ilijan plant is not yet in commercial operations. Ano ang basehan ni Gonzaga?

At ayon sa MERALCO, ang halaga ng kuryente na binibili ng MERALCO sa NAPOCOR simula pa noong Marso ay P4.20/KWH. Makatutulong siguro si Gonzaga na mapababa ang presyo kung maituturo niya ang pinagmumulan ng sinasabi niyang P2.00/KWH.

ANI GONZAGA

ASISELO GONZAGA

FIDEL RAMOS

FRANCISCO VIRAY

GONZAGA

ILIJAN

INDEPENDENT POWER PRODUCERS

MERALCO

NAPOCOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with