^

PSN Opinyon

Babaing PNP Chief

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Si Dep. Dir. Gen. Hermogenes Ebdane ang susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP). Tiniyak ito ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Kailan kaya magkakaroon ng babaing PNP chief?

Sa panahong ito ay malaki na ang pagbabago ng mga kababaihan. Mga larangan na dati ay para sa kalalakihan lamang ay pinasok na rin ng mga anak ni Eba. Meron na ngayong mga babaing Presidente ng bansa, Prime Minister, Cabinet official. May mga woman pilot, cosmonauts, scientists at mga sundalo na rin.

Mismong si President Gloria Macapagal-Arroyo ay nagbigay-pugay sa mga nag-graduate sa Philippine Military Academy sa taong ito na kung saan ay tatlong babae ang topnotcher. Nagpahayag si GMA na isa sa mga pangarap niya ay ang magkaroon ng isang babae na mamumuno sa Philippine National Police. Sinabi pa ni GMA na sa abilidad at diskarte ay hindi pahuhuli ang mga babaing kawal ng hukbong sandatahan. Ayon sa kanya ang mga babaing militar ay hindi lang dapat na pang-opisina at pagta-traffic kundi dapat na makasama sila sa mahahalagang operasyon na hindi maiiwasan ang enkuwentro kaya’t nalalagay sa panganib ang kanilang buhay.

Napatunayan na maraming kaso ang nalutas ng mga babaing decoy gaya ng drug trafficking, prostitutions, kidnapping, robbery at marami pang iba. Ang mga babaing detective ay nagpapanggap na mga GRO, prostitutes, addict, at iba pang dangerous job para magtagumpay ang buy bust police operations. Hindi magtatagal at ang pangarap ni GMA na magkaroon ng babaing PNP chief ay matutupad dahil sa ngayon ay wala nang weaker sex at gender problem. Importante ang kapasidad, abilidad at determinasyon sa pagtatagumpay.

AYON

BABAING

EBA

HERMOGENES EBDANE

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRIME MINISTER

SI DEP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with