^

PSN Opinyon

Seryosong serbisyo sa QC

KAPAG MAY KATWIRAN - KAPAG MAY KATWIRAN ni Jopet Sison -
"WHAT is essential is invisible to the eye", isang kasabihang naglalarawan sa mga bagay na nagaganap ngayon sa pamahalaan ng Quezon city. Ang mga pagbabago dito ay mahalaga at institusyonal. At ang epekto nito sa lungsod ay pangmatagalan.

Ang Commonwealth Avenue lalo na sa bahagi ng Talipapa ay malaki ang pinagbago. Natanggal na ang mga nagtitinda sa kalsada. At sila ay may pinaglipatan sa Commonwealth market. Ang pamilihang lugar na ito ay malawak at malinis. Mayroon pang tulay na bakal na nagtatawid sa mga tindera at mamimili. Ang proyektong ito ay gawa ng HGC, HUDCC at Quezon City government.

Patuloy din ang pagsesemento ng mga kalsada, at ang paghahatid ng payak na pangangailangan sa mga komunidad, tulad ng tubig, kuryente, pagkain at gamot.

Pero hindi ito ang ipinagmamalaki ng QC. Ang mga tunay at makasaysayang pagbabago ay nangyayari sa loob ng pamahalaan. Sa usaping pinansiyal, ang utang ng QC ay unti-unting nababayaran na. Sa administrasyon, ang bureaucracy ay hindi na rin bloated at propesyonal ang pamamalakad. Kung anong trabaho lang ang dapat gawin, ganoon karaming tao rin ang kinukuha. At ang mga desisyon dito ay nakabatay sa desisyong makabubuti sa lokal na pamahalaan bilang isang pampublikong korporasyon; walang pamumulitika, seryosong serbisyo.

Ito ang kailangan ng ating bansa, ang pagpapatibay ng mga lokal na pamahalaan, at ang political will ng mga pinuno nito upang gawin ang nararapat. Kung seseryosohin ang serbisyo tulad ng Marikina, Manila, QC, at marami pang ibang lokal na pamahalaan, mararamdaman ng mamamayan ang pagbabago, at gaganda ang takbo ng bansa.

ANG COMMONWEALTH AVENUE

MAYROON

NATANGGAL

PATULOY

PERO

QUEZON

QUEZON CITY

TALIPAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with