^

PSN Opinyon

Payagang mag-asawa ang mga pari

- Al G. Pedroche -
NIYANIG ng eskandalo ang simbahang Romano Katoliko dahil sa nagsulputang kaso ng mga paring may sexual relations, whether heterosexual or homosexual.

Hindi na bago iyan. Dangan nga lang at ngayon lang napagtutuunan ng pansin sa media. Ewan ko nga ba kung bakit.

Tuloy, ang mga obispo nati’y nagiging too apologetic para sa kanilang mga kapwa pari na nasasabit sa ganitong kaso. Minsan, kahit sa sarili nating parokya ay nababalitaan natin na ang ating mga Kura Paroko ay may ka-relasyon. Minsan, sinasabi pang may anak.

Tao rin sila. Hindi komo inordinahan at nagsuot ng abito’y immune na ang mga pari sa tawag ng laman.

Hindi naman bawal sa Biblia ang pag-asawa ng mga namumuno sa simbahan.

Ang sabi ni Apostol Pablo sa mga early church leader ay ganito: Magagalak ang Diyos kung ang mga namumuno sa Iglesia’y mananatiling single o walang asawa. Ngunit kung hindi makakayanang supilin ang tawag ng laman, mas makabubuti na sila’y mag-asawa kaysa masunog ng matinding pita.

Ito nama’y sarili ko lang pananaw. Masyadong nadudungisan ang imahe ng Simbahang Katoliko dahil sa ganitong mga alingasngas, and this is not good for the church.

Sa batas ng Roman Catholic Church, ang isang inordinahang pari ay nanunumpang hindi mag-aasawa. This is the vow of celibacy. Maaaring suntok sa buwan kung sabihin kong dapat pag-asawahin ang pari. Pero ito’y opinyon lang naman na nais kong ihayag.

Siguro, puwedeng panatilihin ang celibacy pero depende sa desisyon ng magpapari.

Hindi na ba puwedeng makapaglingkod sa simbahan ang isang lalaking may minamahal na babae?

Afterall, it was God himself who said before creating the woman: "It’s not good for man to be alone."


Bukod diyan, ang mga pari’y madalas maging counselor o tagapayo sa mga mag-asawang may problema sa relasyon. How do you expect them to give the right advice kung sila mismo’y walang karanasan?

AFTERALL

APOSTOL PABLO

BIBLIA

BUKOD

KURA PAROKO

MINSAN

ROMAN CATHOLIC CHURCH

ROMANO KATOLIKO

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with