^

PSN Opinyon

PNP sa Bicol: Ginagamit ng sindikato?

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
May kababalaghan na naman bang nagaganap sa hanay ng Philippine National Police (PNP) sa Bicol?

Ayon sa Naga City Council, hiniling nila ang pagsisiyasat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ukol sa umano’y pagkakasangkot ng ilang mga matataas na opisyal ng PNP sa kriminalidad sa Camarines Sur.

Nagbunsod sa panawagan ng City Council ang pagbubunyag ni Nilo Almendral, 28, isang inmate sa Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) District Jail sa Del Rosario, Naga City na mga matataas na opisyal ng Bicol PNP ang nasa likod ng mga isinagawang robbery, kidnapping at mga holdapan sa Kabikulan.

Isinabit ni Almendral ang mismong former Provincial Director of Camarines Sur na si S/Supt. Almario Hilario, na utak umano ng mga krimeng isinagawa ng kanilang grupo.

Marami pang mga pulis ang idinawit ni Almendral matapos nitong maging sunud-sunuran sa pagsagawa ng mga utos ng mga nasabing opisyal upang maipatupad ang krimen.

Sa kanyang sinumpaang salaysay, isa-isang kinilala ni Almendral ang mga nasabing pulis at ibinunyag ang kanyang partisipasyon sa lahat ng mga krimeng isinagawa ng kanilang grupo. Inisa-isa ng witness ang mga operasyong kinabilangan niya at ang perang tinanggap niya sa bawat mabiktima ng mga ito.

Sana ay maayos ni PNP Chief Leandro Mendoza ang sigalot na ito bago siya magretiro sa serbisyo.
* * *
Para sa mga katanungan o mga hinaing, iparating lamang ang mga ito sa [email protected] o tumawag sa opisina ng VACC sa tel. no. 525-9126 loc. 13, 20 at 21 telefax no. 525-6277.

ALMARIO HILARIO

ALMENDRAL

BICOL

BUREAU OF JAIL AND MANAGEMENT PENOLOGY

CAMARINES SUR

CHIEF LEANDRO MENDOZA

CITY COUNCIL

DEL ROSARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with