OCOM office may tara rin
May 11, 2002 | 12:00am
GINAGAWA umanong karaoke bar ang Barangay Office diyan sa Bangkal Makati City kapag gabi. Marami raw mga kawatan este kagawad ang umiinom ng alak at nagkakantahan kapag nagkakasiyahan sila na nakakabulabog naman sa kanilang mga kapitbahay. Barangay Capt. Virgilio Hilario, take note! Malapit na ang eleksiyon.
Isang Rommel daw, dating mangongotong na tauhan ng Economic Intelligence and Investigation Brokerage este Bureau pala ang kumukuha ng perang binibigay ng mga sindikato diyan sa Bureau of Customs. Nakakaladkad ang tanggapan ni Customs Commissioner Antonio Bernardo, Finance Secretary Jose Isidro Camacho, Sir!
Sa NAIA, isang Dennis naman ang gumagamit ng pangalan ni Bernardo para magkapitsa. Ito iyong dating tauhan ng Custom na sumabit sa P7 million alahas na pinuslit pero nakabalik ito sa Aduana sa hindi malamang dahilan.
May 23 unit sa Customs ang binibigyan ng pitsa ng mga sindikato sa nasabing lugar para lamang malayang makalabas ang kanilang mga shipments galing abroad.
Sa susunod na isyu papangalanan ng mga kuwago ng ORA MISMO ang mga units na tumatara sa mga importers at brokers na may transaksiyon sa Aduana, anang kuwagong Kotong Cop.
Aaksyunan ba ni Bernardo kung saka-sakaling malaman niya ang mga pangalan ng mga tirador? tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Tiyak iyon porke gustong malaman ni Bernardo ang mga pangalan ng mga tirador.
Patay sila ngayon.
Tiyak iyon kamote porke galit si Bernardo!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest