^

PSN Opinyon

Libangan ang kuto

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
PANGKARANIWANG tanawin ang makikita sa harap ng bahay- kubo ni Aling Ponyang. Tatlong babae na nakahilera sa mga baitang ng hagdang kawayan. Sila ay naghihingutuhan. May isang babaing naghihinguto kay Aling Ponyang samantalang hinihingutuhan naman nito ang anak niyang babae.

Sinusuklay ni Aling Ponyang ang ulo ng anak at naghahanap ng kuto at lisa. Ang anak ay humihikbi at nagrereklamo na masakit dahil sa paghila sa buhok para matanggal ang mga lisa. Galit na si Aling Ponyang.

‘‘Paghindi ka magpaalis ng kuto at lisa ay magkakapakpak ang mga iyan at ililipad ka. Hindi mo na kami makikita,’’ sabi ni Aling Ponyang sa anak.

Hindi tumitigil sa paghikbi ang anak habang itinuloy ni Aling Ponyang ang paghila ng lisa sa bawat hibla ng buhok. Inilalagay ang lisa o kuto sa kaliwang kuko ng hinlalaki. Pagkatapos ay pinipisa ng kanang kuko ng hinlalaki. Paminsan-minsan ay itinatapat ni Aling Ponyang ang mga kuko sa taynga ng anak para ipaalam na maraming lisa at kuto.

Sabay ng pagkuto sa anak ang pagmumura ni Aling Ponyang. Marami raw siyang panahon na nasasayang dahil sa pagkuto sa anak. Halos araw-araw daw niyang kailangang gawin ito.

Lumapit ako at pinayuhan si Aling Ponyang. ‘‘Bakit hindi ninyo lagyan ng DDT ang buhok ng bata?’’

Tumingin sa akin si Aling Ponyang, ‘‘Papatayin ba ng DDT ang lahat ng kuto at lisa, Doktor?’’

‘‘Aba, oo.’’

‘‘Kung ganoo’y huwag na lang, dahil pagnawalang lahat ang kuto at lisa ay mawawalan kami ng magandang libangan.’’

ALING

ALING PONYANG

ANAK

BAKIT

DOKTOR

GALIT

INILALAGAY

KUTO

LISA

PONYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with