Metro Manila mayor nagpa-deliver ng 'pokpok' sa bahay

ALAM n’yo bang nagpa-deliver ng "pokpok" sa kanyang bahay ang isang mayor sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Henry Vigo ng LTO; Jonah Mae Buduan, Jose Patricio at Atty. Jun Laguilles.
* * *
Alam n’yo bang nagpa-deliver ng maganda at seksing "pokpok" ang isang mayor sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubuwit, maganda ang nasabing "pokpok" sapagkat dating beauty queen sa kanilang probinsiya. Siya ngayon ay isang ramp model sa Metro Manila subalit dahil hindi naman regular ang kanyang trabaho bilang model, nagbebenta siya ngayon ng short time at overnight na aliw.

Siya ay medyo bata pa. Paga betty-uno anyos. Dati siyang Miss Ozamis City.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang ibinigay na serbisyo ng nasabing model-"pokpok" kay Mayor ay isang overnight na aliw. Si Ms. Beauty Queen ay pinapunta mismo sa bahay ni Mayor.

Walanghiya naman ano, bakit naman doon pa? Paano na kaya si misis. Wala pa ba itong misis?

Ayon sa aking bubuwit, kung nasiyahan si Mayor, ang model-"pokpok" ay umuwi ng luhaan.

Kulang ang bayad na ibinigay ni Mayor sa kanya. Wala na raw cash si Mayor kaya nagkulang pa ito ng sex este six thousand pesos.

Pambihira ka naman, Mayor. Ibigay mo naman yung kulang, kawawa naman ’yung "pokpok".
* * *
Ayon sa aking bubuwit, itong model-"pokpok" na nagserbisyo kay Mayor ay meron palang kakaibang ugali. Hindi pala ito nagpa-panty. Parang Boy Scout. Laging handa. Ang nasabing "pokpok" ay itago na lang natin sa pangalang Kris.

At ang mayor naman na naging kostumer ni Ms. Kris ay walang iba kundi si Mayor...

Si Mayor ay medyo maitim at mula sa pamilya talaga ng mga pulitiko sa Metro Manila.

Siya ay si Mayor J. as in J.P. Rizal.

Show comments