^

PSN Opinyon

Bagong pambansang salot

LISTO LANG - LISTO LANG ni Joel Palacios -
ANG kabastusan at kawalan ng respeto sa kapwa ay mga nakamumuhing asal. Kung hindi iiwasan, maaari itong maging bagong pambansang salot.

Sa United States, humigit-kumulang 79 porsiyento sa mga Amerikanong nai-survey ang pinapaniwalaang ito ay isa nang malawak na problema. Sa Pilipinas, magmasid ka lamang sa paligid at batid mo nang nagbabadya itong maging pambansang salot.

Kung minsan hindi natin maiwasang maging bastos. Ngunit nagiging karaniwang gawi na ito ng karamihan. Walang konsiderasyon sa kapwa. Tulad na lamang ng bara-barang pagmamaneho, pakikipag-usap ng maingay sa cell phone sa mga pampubliko at matataong lugar.

May mga taong kilala sa kanilang malaswang dila. Dinudungisan nila ang paligid ng kanilang mga bulgar at mahahalay na salita gaya ng lasong hatid ng mapaminsalang usok na binubuga ng mga dyip sa daan. Kung ikaw ay nakakita ng isang lalaking dumidyinggel sa pader sa kahabaan ng daan, nakakaramdam ka ba ng pagkasuklam? Yan ang Pinoy, sabi ng iba. Iyan din ang puna ng ibang taong bahagi na ng problema.

Ang iba ay tatawa o magkikibit-balikat na lang kung mapansin ang isang kahiya-hiyang gawain. May ilan na sa iyo’y napapatanga. At kung minsan naman ikaw’y mabubulyawan ng isang walang-modo.

Ayon sa survey na isinagawa ng Public Agenda, isang opinion research group na nakabase sa New York, ang kabastusan at kawalan ng respeto sa kapwa ay maituturing nang isang malaking suliranin sa US. Kinakailangan nang punahin ang pag-uugali ng mga Amerikano.

Kabilang sa mga na-survey ay mga mamimili na binastos ng mga tindera. Ang ilan sa kanila ay yaong mga tumawag sa kompanya upang magreklamo ngunit sa halip na tao ay rekording mula sa isang answering machine ang nakausap.

Totoong may ilang salita ang mga Cebuano na tila bastos at nakakarimarim sa pandinig ng mga Ilocano, Ilonggo, Pampanga. At gayon din sila. Ngunit hindi ito katulad ng pagsasabi ng masakit na mga salita, na hindi maka-Pilipino. Bilang isang lahi, huwag nating pabayaang impluwensiyahan ang lahat na tumutukoy sa kapakanan ng bansa.

vuukle comment

AMERIKANO

AMERIKANONG

AYON

ISANG

NEW YORK

NGUNIT

PUBLIC AGENDA

SA PILIPINAS

SA UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with