Kung ililipat ang manibela o gagawin left hand drive ang mga imported vehicles kailangan pala itong ire-export at hindi puwedeng gamitin sa Pilipinas. Pero may ilan tayong mga kamoteng opisyal sa gobyerno na binabaluktot ang batas sa kaunting perang pumapasok sa kanilang bulsa ok lang kung illegal ay maging legal? Take note, Prez Gloria Macapagal Arroyo, Your Excellency.
May 10,000 units ng converted vehicles ang nabigyan ng clearance ng Bureau of Customs para humalo sa mga nagsisiksikang sasakyan sa kalye sana huwag magkaproblema ang mga nasabing sasakyan?
Sa ngayon ay may 2,000 units ng mga imported right hand drive converted to left hand ang naka-impound ngayon sa Subic Bay galing abroad partikular ang mga luxury vehicles galing Japan. Bakit nakaipit ito at hindi mabigyan ng clearance? DOF Secretary Jose Camacho, just asking.
Talagang bibilib ka sa mga converted vehicles porke mabibili ito ng mura na halos one fourt ang halaga kaysa binebenta ng ilang branded car dealers.
Sa totoo lang mga junk ang mga converted vehicles partikular ang galing Japan porke lote-lote itong nabibili sa port of origin.
Kung hindi pa nagreklamo kay Prez GMA ang Japanese at American manufacturers na namuhunan sa bansa eh magsasarado na pala ito dahil sa pagdagsa ng murang converted vehicles? anang kuwagong Kotong Cop.
Alangan naman magpatuloy pa sila ng negosyo kung lugi sila, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Dapat bigyang aksyon ito ng gobyerno at huwag kunsintihin dahil lang sa panapat nilang pitsa sa mga corrupt.
Umaksyon na si Prez GMA"
Dapat lang kasi kung hindi sasabit ang administrasyon niya sa pagkunsinti ng illegal na pinipilit gawing legal.
Ganyan nga mahal na Prez para paniwalaan ka ng mamamayan na hindi ka kunsintidor.